February 25, 2026

Home BALITA Metro

'Direct assault,' isa sa mga kasong pwedeng isampa sa 2 raliyistang inaresto sa EDSA

'Direct assault,' isa sa mga kasong pwedeng isampa sa 2 raliyistang inaresto sa EDSA
Photo courtesy: Nicole Marcelo/Balita

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto ng dalawang raliyistang sangkot umano sa girian ng pulisya at mga demonstrador sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power I.

Ayon sa pulisya, posible umanong makasuhan ng direct assualt ang dalawang indibidwal na nanakit sa ilang pulis matapos magkatulakan ang kanilang hanay upang makatuloy ang mga raliyista patungong EDSA People Power Monument.

“Imbes na makipag-cooperate sa atin, sila pa ang nagsimula ng kaguluhan at nanakit sa amin,” anang pulisya.

Paliwanag pa nila, “Ang pwedeng isampa natin diyan dahil sila nga ay nanakit, yung direct assault, yung resistance and disobedience to a person in authority, nandiyan din yung alarm and scandal and of course, yung violation of PP180.”

Giit pa ng mga awtoridad, wala raw permit ang grupo ng mga raliyistang nagpumilit na buwagin ang kanilang hanap upang makadugtong sa hanay ng iba pang raliyista sa EDSA White Plains.

Metro

AFP, tiniyak kaligtasan at kaayusan sa malawakang pagtitipon sa Pebrero 25

“Sila kasi grupo naman talaga ‘to wala silang permit eh. Andoon pa rin yung directive ng ating PNP Chief na maximum tolerance, pagbigyan pa rin natin sila na makapagbigay at makapagpahayag ng kanilang saloobin,” anang mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang programang isinasagawa sa harapan ng EDSA People Power Monument at mas inaasahan pa ang buhos ng mga dadalo rito habang gumagabi.

Inirerekomendang balita