February 24, 2026

Home BALITA National

Trillanes, tinangging tumanggap ng $2M kay Zaldy Co para sa ICC investigators; nag-amba ng cyber libel case!

Trillanes, tinangging tumanggap ng $2M kay Zaldy Co para sa ICC investigators; nag-amba ng cyber libel case!
Photo courtesy: File Photo

Mariing itinanggi ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang umano’y alegasyong tumanggap siya ng $2 milyong halaga mula kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co para asikasuhin ang mga pangangailangan ng International Criminal Court (ICC) investigators. 

Matatandaang isiniwalat sa publiko ng tumayong abogado ng mga dati umanong security personnel ni Co na si Atty. Levi Baligod sa isinagawa nilang press conference nitong Martes, Pebrero 24, 2026, na tumanggap umano si Trillanes ng nasabing halaga mula sa dating mambabatas. 

“Ibinigay kay Sonny Trillanes ang pondo para sa pag-asikaso sa mga ICC investigators na ito. Kaya naman po lahat ng sasakyan na ginamit, lahat ng hotel accomodations ay sinagot ni Zaldy Co at saka ni Sonny Trillanes,” ani Baligod. 

KAUGNAY NA BALITA: Antonio Trillanes, tumanggap ng ₱112M kay Zaldy Co para sa ICC investigators!—Atty. Levi Baligod

Ayon naman sa agad na naging pahayag ni Trillanes sa Facebook post niya nito ring Martes, Pebrero 24, 2026, mariin niyang pinabulaanan ang umano’y pagtanggap niya ng $2 milyon o anomang halaga mula kay Co. 

National

ICC prosecution, ibinalandra kinalaman ng 'co-perpetrators' ni FPRRD sa Tokhang

“I vehemently deny that I received $2M or any amount  from Zaldy Co for the ICC investigation or any other purpose,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Antonio Trillanes (FB)

Ani Trillanes, paraan lamang daw ito upang sirain ang magaganap pang mga pagdinig ng ICC sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“This is an attempt to discredit the ongoing ICC proceedings against [D]uterte,” aniya. 

Pagdidiin naman ni Trillanes, magsasampa raw siya ng cyberlibel case laban kay Baligod, dating mambabatas na si Mike Defensor, Jay Sonza, at mga tumayong dati umanong security personnel ni Co sa nasabing press conference na isinagawa ng naturang abogado. 

“I will be filing cyberlibel cases against Levi Baligod, Mike Defensor, Jay Sonza, the 18 ex-soldiers, and all those who are maliciously circulating this blatant lie,” pag-iisa-isa niya. 

“This is not new to me. I will not be distracted. Hahabulin ko kayo,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Baligod at iba pang mga nabanggit ni Trillanes kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Security personnel ni Co, pinatotohanan testimonya ni Guteza; naghahatid umano ng male-maletang pera sa bahay ni PBBM

KAUGNAY NA BAITA: Dating mga kasamahan umano ni Orly Guteza sa pagdadala ng male-maletang pera, lumantad!

Mc Vincent Mirabuna/Balita