Ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) na nais din niyang makiisa sa malawakang pagtitipon na gaganapin sa Miyerkules, Pebrero 25, bilang komemorasyon sa ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power I.
“If I could go, I would go. Kasi I was 18, pumunta ako sa original EDSA. I am now 58,” saad ni Remulla.
Aniya pa, bagama’t ilang dekada na ang nakalipas matapos ang naging rebolusyon, ang mga naging karanasan rito ay hindi raw malilimutan ni Remulla.
“I think ‘yong mga nag-participate noong EDSA I, more than half have passed away already. Kasi matatanda ‘yong mga tao noon di’ba? So, these are memories I will always cherish,” pagbabalik-tanaw ng kalihim.
Bukod pa rito, kinilala rin ni Remulla na kapansin-pansing nananatiling buo ang kabayanihan at kagitingan ng mga Pilipino tuwing ipinagdiriwang ang anibersaryo ng EDSA I.
“The values of our country are further instilled when we celebrate that. So, I think, it’s something worth noticing and recognizing, the valor of the people before, and how it transferred today,” pagkilala ng kalihim.
Tiniyak naman ni Remulla na “maximum tolerance” ang ipapamalas ng mga kapulisan at militar sa komemorasyon ng EDSA I habang nirerespeto ang karapatan sa pagpapahayag ng bawat grupo.
“We’ll respect their right to voice their concerns and their opinions. As usual, exercise ‘maximum tolerance,’” saad ng kalihim.
Matatandaang inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nila sa ikakasang ikatlong “Trillion Peso March” sa Pebrero 25, kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA I.
MAKI-BALITA: PNP, naghahanda na para sa ikatlong 'Trillion Peso March' sa Pebrero 25
Tiniyak naman ng Quezon City Police District (QCPD) na layon nilang paigtingin ang kaligtasan ng publiko sa kasagsagan ng pakikibaka ng mga ito sa darating na malawakang pagtitipon, sa pamamagitan ng deployment ng mga kapulisan sa mga pangunahing kalsada, sa paligid ng monumento, at pakikipag-ugnayan sa Quezon City local government unit (LGU).
MAKI-BALITA: QCPD, ikinakasa na paghahanda para sa Trillion Peso March 3.0
Sean Antonio/BALITA