February 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'
Photo courtesy: via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapuso actress na si Kylie Padilla nang matanong tungkol sa posibilidad na pagtakbo ng amang si Sen. Robin Padilla, kapag iniutos umano ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang lumutang ang pangalan ni Padilla na isa sa mga pinamimiliang ka-tandem ni Vice President Sara Duterte sa pagtakbo niya bilang Pangulo sa 2028.

Kaugnay na Balita: ‘Ipinanganak tayong ready!' Sen. Robin, kakayanin daw pagiging Vice President

Kaugnay na Balita: Sen. Robin, sinagot batikos na 'tuta,' 'sunud-sunuran' ni FPRRD!

Natanong si Kylie nang maurirat siya ng showbiz news reporters tungkol sa pagtakbo ng ama, sa media conference para sa pelikulang "The Lotto Winners."

Tsika at Intriga

Kinalimutan na, pinaalala pa! Kris Lawrence, kinumpirmang ninakaw ni Alvin Aragon ang cellphone niya

"Aalis na 'ko ng Pilipinas," natatawang sambit ni Kylie, sa ibinahaging video clip na ulat ng News 5 nitong Martes, Pebrero 24.

"No reaction, but... aalis na 'ko ng Pilipinas!" natatawang ulit pa niya.

Nang matanong naman siya kung sinusuportahan ba niya ang political career ng ama, "Aalis na po ako ng Pilipinas... iyon lang po ang comment ko."

Pero kumambyo naman si Kylie, "Hindi, ano lang naman, I trust in my father's judgment, 'yon lang."

Kaugnay na Balita: 'Basta inutos ni Digong, susunod ako!' Sen. Robin, raratsada sa pagka-VP sa 2028?

Matatandaang sinabi na ni Padilla na wala aniya siyang balak na tumakbo sa pagka-Vice President sa 2028.

Kaugnay na Balita: Nawala sa espiritu ng Ramadan: Padilla nag-sorry kay Llamas, iginiit na walang balak tumakbong VP