February 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kinalimutan na, pinaalala pa! Kris Lawrence, kinumpirmang ninakaw ni Alvin Aragon ang cellphone niya

Kinalimutan na, pinaalala pa! Kris Lawrence, kinumpirmang ninakaw ni Alvin Aragon ang cellphone niya
Photo courtesy: Screenshot from Kris Lawrence (FB)

Nagsalita na ang singer na si Kris Lawrence tungkol sa nag-viral na kumpisal ng dating "StarStruck" avenger at mister ni SexBomb Girls member Izzy Trazona na si Alvin Aragon, na ninakaw niya ang cellphone ng una noong 2006.

Muling napag-usapan online ang insidenteng kung tutuusin ay walang nakakaalam matapos kalkalin ng mga netizen ang isang video noong 2024 kung saan inamin at mula mismo sa bibig ni Alvin na ninakaw niya ang cellphone ng tinaguriang “Prince of R&B” na si Kris.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ni Kris na totoo ang nangyari at naganap ang insidente sa loob mismo ng kaniyang bahay noong 2006, halos 20 taon na ang nakalilipas.

Ayon sa singer, nakilala niya si Alvin sa isang bar sa Quezon City habang kasama niya ang kapwa R&B artist na si Jay-R para mag-inuman. Mula roon ay nagpatuloy ang kanilang inuman sa kaniyang home studio hanggang madaling-araw.

Gayunman, napansin na lamang umano ni Kris na nawawala ang kaniyang cellphone matapos umalis ang lahat ng bisita. Kalaunan, isa sa mga kaibigan ni Alvin na sumama sa kanila sa bahay ang tumawag at umamin na si Alvin ang kumuha ng cellphone.

Tsika at Intriga

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'

"When I was going back to my room, I noticed that nawawala yung cellphone ko. Hanap ako nang hanap. Wala ngani," aniya.

“I think na guilty yung isang friend niya and tinawagan niya ako and inamin na si Alvin nga yung kumuha," saad pa ni Kris.

“I was like, ‘Dude why would you do that? Why would you steal from me in my own house bro? That’s so disrespectful.’”

"Nag-sorry siya and honestly my fists were balled up. Gusto ko siyang suntukin pero I know that violence is never the answer," saad pa ni Kris.

Ibinahagi ni Kris na matagal na niyang nakalimutan ang insidente at hindi na niya ito binigyan ng pansin sa paglipas ng mga taon. Gayunpaman, muling nabuhay ang usapin nang kumalat sa social media ang lumang video kung saan inamin umano ni Alvin ang naturang pangyayari.

"I know he’s in a better place now. I know he’s Christian and alam ko naman mabait si Alvin. Ikaw kasi Alvin eh. Kinalimutan ko na yun pinaalala mo pa,” saad pa ng singer nang pabiro.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito si Alvin.