February 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kamukha lang? Dustin, naurirat tungkol sa tsikang honeymoon nila ni Bianca sa Thailand

Kamukha lang? Dustin, naurirat tungkol sa tsikang honeymoon nila ni Bianca sa Thailand
Photo Courtesy: Dustin Yu (IG)

How true nga ba ang lumulutang na usap-usapan tungkol sa umano’y honeymoon nina dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates Dustin Yu at Bianca De Vera.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Pebrero 23, naungkat ang nasabing isyu matapos itong itanong kay Dustin.

Kasama ni Dustin bilang guest ang mga kapuwa niya rin PBB housemate na sina Ralph De Leon at River Joseph.

“May mga bali-balita na kayo raw ni Bianca ay nag-honeymoon sa Thailand,” usisa ng host.

Pero sagot ni Dustin, "Hindi, Tito. Baby pa po kami."

Tsika at Intriga

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'

“But you did go to Thailand? We saw the post,” dugtong pa ni Boy.

“Parang wala naman,” tugon ni Dustin. “Kasi, Tito, marami kasi akong kamukha. At maraming nagsasabi na ako raw 'yon.”

Samantala, hindi rin naiwasang matanong si Ralph tungkol sa kanila ni AZ Martinez. 

“Mula Thailand, punta muna tayo sa Siargao,” sabi ni Boy. “Nakita din daw kayo doon ni AZ, was that a honeymoon?”

“Hindi po, Tito Boy,” ani Ralph. “Kasama po amin ang friends namin.”

Ngunit sa pananaw ni River, hindi umano totoo lahat ng sinabi ng kaniyang mga kapuwa housemate na ikinatawa ng lahat.