Ipinaliwanag ng social media personality na si Jam Magno kung bakit tila gumanda raw siya lalo.
Sa isang TikTok post kamakailan, kinomentuhan niya ang iniwang comment ng netizen na "ito ['yong] literal na gumanda lalo nung nawala sa toxic relationship."
"Kasi nawala ako sa maling tao. Nawala ako sa maling paninindigan, tumiwalag ako sa mga tao na hindi naman ako mahal. Gumanda ako kasi mas pinili ko 'yong sarili ko, mas pinili ko maging masaya, mas pinili ko ang landas na tama," saad ni Jam.
"Mas pinili ko na manerbisyo nang maayos sa mga Pilipino na worth it naman sa pagmamahal ko. Nakakaganda talaga ang peace of mind. Nakakaganda talaga pag ang sinusuportahan mo ay hindi toxic at hindi bobo. Nakakaganda naman talaga kung alam ko sa sarili ko na wala akong inaapakang tao dahil pinili kong gumanda para sa sarili ko," dagdag pa niya.
Sey pa ng social media personality, "And yes, parte na rin n'yan ang mag-let go sa mga toxic, sa mga manggagamit, sa mga nega sa buhay. Nakakaganda talaga ang piliin ang tama para sa sarili. Nakakaganda talaga kung tama naman ang intensyon mo."
Matatandaang usap-usapan noong nakaraang taon ang Facebook post ng mister ni Jam na si Edgar Concha, Jr. tungkol sa sa "backstory" ng naranasan niyang pisikal na pang-aabuso.
Nauna na rin niyang inilabas noon ang medical examination bilang resibo sa mga natamo niyang multiple abrasion sa “left temporal area,” “soft tissue contusion,” “hematoma sa left sclera,” at nail scratch sa kaliwang braso.
Wala namang binanggit na pangalan si Edgar kung sino ang nasa likod ng naturang pang-aabuso, subalit ipinagpapalagay ng ilang netizens na ang misis na si Jam ang nasa likod nito.
KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Jam Magno, nagsiwalat ng naranasan umanong abuso
Matatandaang noong Disyembre 2023 ay kinasuhan si Jam ng "psychological violence," na paglabag sa section 5 ng section 3-C ng Republic Act (RA) 9262 o "An Act Defining Violence Against Women and Their Children."
MAKI-BALITA: Parang nag-selfie lang sa mugshot: Jam Magno, bakit kinasuhan?
Samantala, pagdating sa politika, tinanong noon si Jam ng isang netizen sa TikTok noong nakaraang taon, kung bakit "nag-shift" na raw siya ngayon mula sa pagiging tagasuporta noon ng mga Duterte, partikular kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, subalit nag-volunteer sa Tingog party-list na konektado kay House Speaker Martin Romualdez.
Kilala si Jam Magno bilang tagasuporta ni dating Pangulong Duterte. Sinuportahan din niya ang anak nitong si Vice President Sara Duterte sa pagtakbo bilang bise presidente noong 2022.
KAUGNAY NA BALITA: Jam Magno, may Mother's Day message para kay Sara Duterte
Diretsahang sagot ni Magno, mahal niya si FPRRD subalit hindi niya sinusuportahan ang mga anak nito na sina Vice President Sara Duterte, Davao City 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte, at Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte.
"I love PRRD, up to this day, it has not changed, but not supporting what his children [are] doing, is my choice. And not just because I don't support them, automatically, I'm the bad guy," ani Magno.
Maki-Balita: Jam Magno mahal si FPRRD, pero 'di suportado mga anak niya