Nagawang sagutin ni International Criminal Court (ICC) Trial lawyer Edward Jeremy ang nauna nang naging pahayag ng Lead legal counsel na si Atty. Nicholas Kaufman patungkol sa mga binibitawang salita umano noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan kasing sinabi ni Kaufman sa kaniyang pahayag sa unang pagdinig ng ICC sa confirmation of charges ni FPRRD noong Lunes, Pebrero 23, 2026, na alam daw ng taumbayan ang salitang mga binibitawan ng dating Pangulo.
“For President [Rodrigo Duterte], his word was his word, and the people knew it,” ani Kaufman.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Kaufman, binira umano'y pangakong 'di tutulong sa ICC ni PBBM
Ayon naman sa naging pag-iisa-isa ng mga ebidensya ni Jeremy laban kay FPRRD sa ikalawang pagdinig ng ICC nitong Martes, Pebrero 24, 2026, nagawa niyang balikan ang video ng naging pahayag ni FPRRD sa tungkol sa pag-uutos daw niya sa kapulisan na bilisan ang pagsasagawa ng pagpatay upang kumita ang negosyo ng mga funeraria noong Hunyo 30, 2016.
“Kaya kayong mga small time na funeraria dito, doon, at sigurado hindi kayo malugi. At [kapag] humihina na ang negosyo ninyo, sabihin ko lang sa mga pulis, bilis-bilisan ninyo ng konti para kumita ‘yong tao sa negosyo nila. Sinasabi ko na sa inyo, hindi ako nagbibiro,” makikinig na sinabi ni FPRRD sa pinanood ni Jeremy sa Hukuman.
Dahil dito, nagawang balikan ni Jeremy ang nasabi ni Kaufman tungkol sa mga salita ni FPRRD sa pagdinig nila noong Lunes.
“And as my friend yesterday, transcript 4, page 30, lines 18 to 19, ‘For President Rody, his word was his word, and the people knew it,’” saad ni Jeremy.
Matapos nito, itinuon ni Jeremy ang kaniyang pahayag sa mga insidente sa pagpatay umano sa dalawang menor de edad ng kapulisan noong 2018.
“In this context to conclude, I’ll focus briefly on the incidents 38 and 45. As your Honors know, in the course of these incidents which occured during 2018. On separate occasions, the police detained a child, aged around 14 or 15 years old,” aniya.
Dagdag pa niya, “On each occasion, the police wrapped the child’s head in packing tape so no one could hear them scream. And then strangled the child to death with wire.”
Ani Jeremy, mahirap daw isipin ang nakakatakot na pagkamatay ng mga nasabing bata sa kamay ng kapulisan kung saan magsisimula pa lamang daw sana ang kanilang buhay sa mundo.
“It’s difficult to imagine a more terrifying end to two lives that had barely even begun,” ‘ika niya.
Diin pa niya, “And these murdered children were then sold to funeral homes who profited from their bodies, as explained in paragraphs 142 and 150 of our brief.”
Pagpapatuloy ng abogado, dahil daw sa mga pangyayaring ito, sinabi niyang hindi talaga nagbibiro ang dating Pangulo sa mga binibitawan niyang pahayag.
“Your honors, dead children, police ensuring that funeral homes made money. Mr. Duterte indeed was not joking,” pagtatapos niya.
KAUGNAY NA BALITA: ICC prosecutor sa hearing laban kay FPRRD: 'Those in power are not above the law!'
KAUGNAY NA BALITA: War on drugs ni FPRRD, nagresulta ng pagkamatay ng libong sibilyan!—ICC Prosecution
Mc Vincent Mirabuna/Balita