February 24, 2026

Home BALITA National

Duterte supporter, nabuhayan ng loob sa depensa ni Atty. Kaufman kay FPRRD!

Duterte supporter, nabuhayan ng loob sa depensa ni Atty. Kaufman kay FPRRD!
Photo courtesy: File Photo

Tila nakaramdam umano ng pagkabuhay ng kaniyang loob ang isang Duterte supporter dahil sa naging depensa at mga sinabi ng Lead defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman sa International Criminal Court (ICC). 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Kaufman, binira umano'y pangakong 'di tutulong sa ICC ni PBBM

Ayon sa naging panayam ng NewsWatch Plus PH sa vlogger na si Alvin Sarzate o mas kilala sa social media bilang “Alvin & Tourism” sa The Hague, Netherlands, noong Pebrero 23, 2026, sinabi niyang nasagot daw lahat ni Kaufman ang inilatag ng ICC Prosecutor sa simula ng confirmation of charges nila kaugnay sa mga kasong kinakaharap ng dating Pangulo. 

“Ang nakita ko or napansin ko talaga is ‘yong depensa na they rebut all the… of the opposition or the prosecutor of this case,” pagsisimula niya. 

Pagbabahagi ni Sarzate, tila raw nabuhayan siya ng loob sa mga sinabi ni Kaufman at naipakita umano nito sa buong mundo na isang “peddled allegations” lamang daw ang mga ibinabato laban kay FPRRD. 

National

'Sino ba ang totoong kapatid?' Magkaibang litratong hawak ng utol ng EJK victim, kinuwestyon

“Parang nabuhayan ako ng loob sa mga pinagsasabi ni Atty. Nicholas Kaufman kasi naipakita ng niya sa buong mundo na ang case before the International Criminal Court is nothing but rehash peddled allegations by detractors critics or adversaries of the former President,” saad niya. 

Ani Sarzate, nagawa rin daw ipakita ni Kaufman sa mga hukom ng ICC at international community ang dapat tingnan ng mga ito sa kasong kinakaharap ng dating Pangulo. 

“I think he was able to show to the international community, lalong lalo na sa mga judges na ano ‘yong position na dapat tingnan,” aniya. 

Dagdag pa niya, parehas lang naman daw ang umano’y mga akusasyong binabato kay FPRRD noon pa mang nasa Pilipinas pa ito at nag-iba lang ang lugar kung saan siya nalilitis. 

“Kasi noon pa man, sa Pilipinas pa, ito naman din ‘yong akusasyon kay FPRRD parang nilagay lang nila sa different setting,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, nakatakdang muling ipagpatuloy ng ICC ang nasabing pagdinig nila tungkol sa confirmation of charges ng mga kasong kinakaharap ni FPRRD mula Martes, Pebrero 24 hanggang Biyernes, Pebrero 27, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: ICC prosecutor sa hearing laban kay FPRRD: 'Those in power are not above the law!'

KAUGNAY NA BALITA: War on drugs ni FPRRD, nagresulta ng pagkamatay ng libong sibilyan!—ICC Prosecution

Mc Vincent Mirabuna/Balita