February 23, 2026

Home BALITA Politics

‘Wag n'yo kong isama!' DPWH Sec. Dizon, umalma sa tambalang 'Leni-Vince' sa 2028

‘Wag n'yo kong isama!' DPWH Sec. Dizon, umalma sa tambalang 'Leni-Vince' sa 2028
Photo courtesy: screengrab from RTVM/FB

Pinabulaanan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon ang umuugong na umano'y tambalan nila ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo para sa susunod na eleksyon sa 2028.

Sa ambush interview sa kaniya ng media nitong Lunes, Pebrero 23, 2026, iginiit niyang huwag na raw sana siyang makaladkad pa sa usaping politika.

“Nako! 'Wag n'yo kong isasama diyan, nagtatarabaho lang ako dito. Pwede ba 'wag n'yo ko isama sa politika ganiyan?'” ani Dizon.

Hirit pa niya, “Sabi nga ni Presidente, 'Walang politika, trabaho lang.'” 

Politics

Rep. Romualdez, walang basbas sa 4th impeachment complaint vs VP Sara—Rep. Ortega

Matatandaang umugong ang tambalang “Leni-Vince” sa 2028 matapos ang naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Naga City, kung saan makikita ang nagkalat na larawan na nasa gitna siya nina Robredo at Dizon.

Kaugnay nito, nauna na ring nilinaw ni Robredo na wala aniya silang napag-usapang politika ni PBBM.

“Tingin ko wala. Tingin ko zero chance,” pagsisimula niya, “Kasi ang pinunta naman dito ng Pangulo ito [Oplan Kontra Baha] and bago pa pumutok ‘yong mga usapin—bago ‘yong announcement ni VP Sara, naka-set na ito.” 

KAUGNAY NA BALITA: 'Zero Chance!' Mayor Leni, nilinaw na 'di politika ipupunta sa Naga ni PBBM

Naging usap-usapan din ang naging pahaging ni PBBM na ang tanging politikal na ginawa lang daw niya noong bumisita siya sa Naga City ay ang pagsusuot ng isang kulay rosas na medyas.

“The most political thing that we did today, I wore my pink socks—my pink socks in honor of Mayor Leni,” ani PBBM.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, ibinidang nagsuot ng medyas na pink sa pagbisita sa Naga!

Sa kasalukuyan, tanging si Vice President Sara Duterte pa lamang ang nananatiling politikong nag-anunsyo na ng kaniyang kandidatura para sa 2028.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!