Nagbigay ng reaksiyon si Sen. Bam Aquino sa anunsiyo ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagtakbo nitong Pangulo sa 2028 elections.
Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Lunes, Pebrero 23, tinanong si Sen. Bam kung nagulat ba siya sa sinabi ni VP Sara hinggil dito.
Usisa ni Karen, “Nagulat ka ba do’n?”
“Hindi,” anang senador sabay tawa. “Wala naman yatang nagulat.”
Dagdag pa niya, “Honestly, hindi ko pa naiisip ‘yong timing [ng announcement]. But maybe it’s more like we sort of expected na she would declare.”
Samantala, umiwas naman si Sen. Bam na talakayin ang halalan sa 2028. Ito ay sa kabila ng katotohanan na isa siya sa mga napipisil ng ilang Pilipino para itapat kay VP Sara.
“Ang sarap pag-usapan ng politika sa Pilipinas. [...] ‘Yong mga tao parang tuwang-tuwa diyan. But honestly, I just really want to work. Ang daming problema,” aniya.
Matatandaang itinanggi na rin ni Sen. Bam ang bulung-bulungang kakandidato umano siyang Bise Presidente sa 2028.
Maki-Balita: Sen. Bam, itinangging tatakbo bilang Vice President sa 2028!
Ito ay matapos ang umano’y pagpapapogi niya sa mga Duterte supporter dahil sa naging pahayag niya kaugnay sa kaso ng extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas.
Kaugnay na Balita: 'Papogi lang sa mga DDS!' Trillanes, binweltahan si Sen. Bam