February 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking pilit na nagbubukas ng pinto ng kotse sa Bacoor Boulevard, may sakit at hinahanap ng pamilya!

Lalaking pilit na nagbubukas ng pinto ng kotse sa Bacoor Boulevard, may sakit at hinahanap ng pamilya!
Photo courtesy: Bacoor Component City Police Station (FB)

Naglabas ng pahayag ang Bacoor Component City Police Station kaugnay sa nag-viral na lalaking inireklamo ng isang babaeng motorista na umano'y nagbubukas ng pinto ng sasakyan habang nasa kahabaan ng Bacoor Boulevard.

Batay sa social media post ng isang nagngangalang Lorie Sy, na ibinahagi na rin ng mga netizen, naglalakad umano ang lalaki sa gilid ng kalsada nang mapansin niyang huminto ito at tumitig sa kaniyang sasakyan.

Ayon sa kaniya, una niyang inakalang magpapatuloy lamang sa paglalakad ang lalaki, ngunit kalaunan ay lumapit ito sa kaniyang kotse.

Dito na umano biglang hinila ng lalaki ang door handle ng kotse. Dahil dito, agad kumuha ng cellphone ang nagmamaneho upang makuhanan ng video ang insidente bilang ebidensya sakaling may mangyaring masama.

Sinubukan din umano niyang paalisin ang lalaki sa pamamagitan ng pagkatok sa bintana at pagbusina upang maalerto ang mga tao sa paligid. Gayunman, ayon sa kaniya, lalo pa umanong naging agresibo ang lalaki at mas madiing hinila ang pinto. Sa kabutihang-palad, naka-lock ang sasakyan kaya hindi ito nabuksan.

Probinsya

2 grupong 'di nagkasundo sa mabahong ihian, nauwi sa barilan; 1 patay!

"so this happened this afternoon around 12:30pm along bacoor blvd. at first the man was just walking along the sidewalk when he stopped and stared at my car (which i saw with my peripheral vision) then he kind of walked past my car so i took a peek if he really did just walk past my car but then he started walking towards my car (so i quickly grabbed my phone and took this video just so i have evidence if ever something really bad happens) and he started aggressively yanking my car door handle so i tried scaring him off by tapping my window and pressing my car horn to alert bystanders but it didn't do anything. it just escalated his desire to yank my door open thank god my door was locked," aniya.

Nang magbago raw sa green ang traffic light at magsimulang umandar ang mga sasakyan, kumapit pa umano ang lalaki sa door handle habang umaandar ang kotse bago tuluyang bumitaw.

Nanginginig daw ang nabanggit na motorista hanggang sa makarating na siya sa destinasyon niya.

Ibinahagi ng netizen ang karanasan bilang babala sa kapwa motorista na palaging tiyaking naka-lock ang kanilang mga sasakyan sa sandaling pumasok sa loob nito.

"When the stoplight finally went green he held onto my car door as i was accelerating (as seen in the video) and as the cars started moving that's when he let go of my car door handle."

"I was shaking the whole car ride, up until i arrived at my destination (the ride back home wasn't as pleasant cos i was so anxious and tensed and my chest felt tight)."

"posted this for awareness and a reminder to all car owners/drivers to ALWAYS lock your doors upon entering your car," aniya pa.

Kaugnay na Balita: Motorista, nagbabala: Lalaki, puwersahang nambubukas ng pinto ng kotse sa Bacoor Boulevard!

Mababasa naman sa Facebook page ng pulisya nitong Lunes, Pebrero 23, na ang nabanggit na lalaki ay may sakit daw at pinaghahanap ng kaniyang pamilya.

"Magandang araw po sa ating lahat. Kaugnay ito ng kumakalat na video online kung saan makikita ang isang lalaki na pilit na binubuksan ang isang sasakyan," anila.

"Nais po naming ipabatid sa publiko na batay sa impormasyong ibinigay ng kanyang pamilya, ang naturang lalaki ay may karamdaman. Dahil dito, humihingi po ng pang-unawa ang kanyang pamilya sa insidenteng ito," dagdag pa.

Hinikayat naman ng pulisya ang sinumang makakakita sa lalaki na ipagbigay-alam sa kanila ang kinaroroonan nito.

"Inaanyayahan din po ang sinumang nakapansin o nakakita sa nasabing lalaki na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa kinauukulang awtoridad upang matulungan siyang maibalik nang ligtas sa kanyang pamilya," anila.

Photo courtesy: Screenshot from Bacoor Component City Police Station/FB

Batay sa inilabas na larawan ng pulisya, ang nabanggit na lalaki ay nagngangalang Joel Viola Matados mula sa Barangay Malabon, General Trias, Cavite.