February 23, 2026

Home BALITA Internasyonal

Lalaking may dalang shotgun at nag-trespassing sa bahay ni US President Trump, todas!

Lalaking may dalang shotgun at nag-trespassing sa bahay ni US President Trump, todas!

Patay ang isang lalaking pumasok umano sa loob ng property kung nasaan ang bahay ni US President Donald Trump matapos siyang barilin ng US Secret agents and Palm Beach County law enforcement.

Ayon sa mga ulat, tinatayang nasa edad 20-anyos pataas ang lalaki na pumasok sa naturang property na pagmamay-ari ni Trump. Nagawa umano niyang marating ang 20 hanggang 30 yards na layo patungo sa tahanan ng pangulo.

Nang mapansin ng security agents ang ilegal na pagpasok ng lalaki, doon na raw nila ito kinompronta at nagpag-alamang armado ito ng shotgun at gas can.

Sinubukan pa raw utusan ng mga awtoridad ang lalaki na ibaba ang armas ng lalaki, ngunit ng akma na raw niya itong ibaba ay saka niya inilaglag ang gas can at saka nagtangkang magpaputok.  Doon na raw nagdesisyon ang mga awtoridad na paputukan ang lalaki.

Batay pa sa mga ulat, tubong North Carolina ang lalaki na nauna nang iulat ng kaniyang ina na nawawala. 

Internasyonal

Tunay kaya? 'Alien files,' isasapubliko ni US President Trump!

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation (FBI) upang matukoy ang motibo ng lalaki.

Samantala, ipinag-utos namang ilagay sa "administrative leave" ang mga US agents na sangkot sa pamamaril sa lalaki habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng FBI.