February 23, 2026

Home BALITA National

ICC prosecutor sa hearing laban kay FPRRD: 'Those in power are not above the law!'

ICC prosecutor sa hearing laban kay FPRRD: 'Those in power are not above the law!'
Photo courtesy: via MB

Sinimulan na ng International Criminal Court (ICC) ang confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa kasong crimes against humanity na may kinalaman sa kaniyang war on drugs noong administrasyon niya bilang mayor ng Davao City at pangulo ng Pilipinas.

Sa pagbubukas ng pagdinig, binigyang-diin ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang na ang pagsisimula ng hearing ay patunay ng matatag na paninindigan ng korte sa mandato nitong imbestigahan at usigin ang mga indibidwal na sangkot sa pinakamabibigat na krimen.

Giniit pa ni Niang na layuning maipagkaloob ang hustisya sa libo-libong biktima ng umano’y malawakang krimen at karahasang naganap sa bansa.

Idinagdag pa niyang ang pagdinig ay nagsisilbing paalala na walang sinuman ang nakahihigit sa batas, kabilang ang mga nasa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

"Today marks an important day for international justice, for the people of the Philippines, for the victims, and for the court... It is also a reminder that those in power are not above the law," aniya.

National

War on drugs ni FPRRD, nagresulta ng pagkamatay ng libong sibilyan!—ICC Prosecution

Ang confirmation of charges hearing ay bahagi ng proseso kung saan tutukuyin ng mga hukom ng ICC kung may sapat na ebidensya upang ituloy ang kaso sa full trial.