Pinabulaanan ni dating “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” housemate Fred Moser ang tsikang may mayamang bading umanong sumusuporta sa kaniya sa loob ng Bahay ni Kuya.
Ito umano ang dahilan kung bakit lagi siyang naliligtas mula sa bingit ng pagka-evict.
Ngunit ayon kay Fred sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, hindi umano totoo ang nasabing alingasngas tungkol sa kaniya.
Aniya, “Hindi ako against do’n sa LGBTQ. Actually, support ako. Hindi ko sila dini-discriminate. Pero me personally, I wouldn’t do that just to someone to support me. Gusto ko talaga umangat in my own way. “
“And while I was inside, I had no idea what was happening outside. So hindi ko alam kung may sumusuporta sa aking [bading] o taumbayan ba talaga. Siyempre, inside wala talaga kaming alam, e,” dugtong pa ni Fred.
Matatandaang Enero pa nang makalabas si Fred sa Bahay ni Kuya kasabay si John Clifford.
At ayon sa kaniya, wala umano siyang babaguhin na kahit anong bagay sa naging journey niya sa PBB sakali mang bigyan ng ikalawang pagkakataon.
Maki-Balita: John Clifford, Fred Moser pinatalsik na sa Bahay ni Kuya!