February 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hugot ni Rochelle Pangilinan: 'Hindi lahat ng laban kailangang patulan!'

Hugot ni Rochelle Pangilinan: 'Hindi lahat ng laban kailangang patulan!'
Photo courtesy: Rochelle Pangilinan (IG)

Makahulugan ang pinakawalang post ng SexBomb Girls leader at Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan patungkol sa "laban" at pagiging "panalo."

Sa Instagram story, mababasang sinabi niyang hindi raw lahat ng mga laban ay dapat patulan, at ang tunay na panalo raw ay ang mapagkumbaba at mapagmahal.

"Hindi lahat ng laban kailangang patulan..." aniya.

"Minsan, ang tunay na panalo ay ang magpakumbaba at mapagmahal."

Tsika at Intriga

'I wouldn't do that!' Fred Moser, pinuksa ang tsikang sinusuportahan ng paldong beki sa PBB

Photo courtesy: Rochelle Pangilinan (IG) via Fashion Pulis

Hindi naman naglagay ng detalye si Rochelle kung tungkol saan ang nabanggit na post, pero ipinagpapalagay ng mga netizen na tungkol pa rin ito sa isyu ng mga pinakawalang pahayag ni Alvin Aragon, mister ng dati nilang kasamahang si Izzy Trazona, na kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal dahil sa mga naging paliwanag niya kung bakit hindi nakasama ang misis sa reunion concerts ng grupo.

Sa kabilang banda, wala namang kumpirmasyon mula kay Rochelle kung tama ba ang espekulasyon ng mga netizen hinggil sa konteksto ng kaniyang makahulugang post.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality