February 23, 2026

Home BALITA National

De Lima kay Amanda Echanis: 'We've both gone through the same ordeal of unjust detention!'

De Lima kay Amanda Echanis: 'We've both gone through the same ordeal of unjust detention!'
Photo courtesy: Leila De Lima (FB), File Photo

Ibinahagi sa publiko ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang naging pagkikita nila ng political prisoner at kakalaya pa lamang na si Amanda Echanis. 

Ayon sa naging Facebook post ni De Lima nitong Lunes, Pebrero 23, 2026, makikita ang mga larawan ng pagkikita nila ni Achanis at mga kasama nitong sina Tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Ka Daning Ramos at National Chairperson ng Amihan na si Zen Soriano. 

Ani De Lima, ikinagagalak daw niya ang makita si Echanis nang personal at sinabi niyang parehas daw silang dumaan sa parehong “unjust” o hindi makatarungang pagkakakulong. 

“Such a pleasure to finally meet you, Amanda Echanis!” pagsisimula niya, “We’ve both gone through the same ordeal of unjust detention.” 

Pagkukuwento ni De Lima, inabot raw siya sa tagal na pitong taon sa kulungan habang limang taon naman si Echanis ngunit idiniin niyang hustisya pa rin ang nanaig sa huli. 

National

Rep. Paolo Duterte, bumwelta sa ICC: 'This hearing will not change history!'

“It took almost seven years for me and five years for you—time that can never be returned—but even when delayed, justice always finds its way to the innocent. Lagi't laging mananaig ang katotohanan at hustisya,” aniya. 

Nagawa namang magpasalamat ni De Lima kay Echanis para sa bonsai na binigay nito sa kaniya na gawa pa umano ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs). 

“Salamat sa ibinigay mong napakagandang handmade bonsai na gawa ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs). Seeing you in person feels like a moment to just pause and recognize the strength and courage it took to this very moment,” pagbabahagi niya. 

Dagdag pa niya, “Ngayon lang tayo nagkita pero matagal na ang paghanga ko sa iyong tatag, tapang at di-natitinag na dedikasyon para ituloy ang laban para sa karapatang pantao, kalayaan at hustisya para sa iba pang mga bilanggong politikal, at kapakanan ng mga kababaihan, magsasaka at ng mga kababayan nating nasa laylayan ng lipunan.” 

Nagpasalamat din si De Lima kina Ramos at Soriano dahil sa naging makabuluhan umano nilang talakayan. 

“Nagpapasalamat din po tayo sa pagbisita at makabuluhang talakayan ukol sa ating mga inisyatiba kasama si Ka Daning Ramos, Tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Nanay Zen Soriano, National Chairperson ng Amihan,” saad niya. 

“Maraming salamat po sa tiwala at sa patuloy nating pagtutulungan para isulong ang ating mga kolektibong adhikain!” pagtatapos pa ni De Lima. 

KAUGNAY NA BALITA: Political prisoner Amanda Echanis, nakalaya na matapos higit 5 taon!

KAUGNAY NA BALITA: Mga manunulat at iskolar ng panitikan, bumuo ng petisyon para palayain si Amanda Echanis

Mc Vincent Mirabuna/Balita