February 23, 2026

Home BALITA Probinsya

2 grupong 'di nagkasundo sa mabahong ihian, nauwi sa barilan; 1 patay!

2 grupong 'di nagkasundo sa mabahong ihian, nauwi sa barilan; 1 patay!

Isa ang patay matapos mauwi sa mainit na pagtatalo ang umano'y mapanghing ihian sa isang solar farm sa Nueva Ecija.

Ayon sa mga ulat, nag-ugat ang pagtatalo ng grupo ng suspek at biktima bunsod ng mapanghing amoy sa naturang ihian.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, installer ng solar panels ang grupo ng biktima, pawang mga subcontractor naman ng solar panels installation ang grupo ng suspek. 

Sinasabing mismong ang grupo umano ng biktima ang sumugod bunsod ng mapanghing ihian, at sila rin daw ang sumita rito. Ayon sa sa mga saksi, posibleng takot daw ang nag-udyok sa suspek kung kaya't napilitan itong bumunot ng baril at magpaputok.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa sikmura at hita ang biktima kung saan agad siyang naisugod sa General Tinio Hospital, subalit, kinailangan din siyang ilipat sa isa pang ospital sa Cabanatuan City kung saan siya tuluyang binawian ng buhay.

Probinsya

Viral na pusang inihagis sa tulay, ligtas na at hindi buntis!

Samantala, mabilis namang nakatakas ang suspek mula sa crime scene at kasalukuyan nang nagtatago. Nahaharal siya sa kasong murder. 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabigyang-linaw kung bakit naging mainit na pagtatalo ang amoy ng ihian sa naturang solar farm.