February 22, 2026

Home SHOWBIZ

Sharon sa pagkikita nina Mayor Leni, PBBM: ‘Walang balimbingan o plastikan!’

Sharon sa pagkikita nina Mayor Leni, PBBM: ‘Walang balimbingan o plastikan!’
Photo Courtesy: Sharon Cuneta, Leni Robredo (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Megastar Sharon Cuneta sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa balwarte ni Naga City Mayor Leni Robredo kamakailan.

Sa isang Facebook post ni Sharon nitong Linggo, Pebrero 22, sinabi niyang wala umanong nangyaring balimbingan o plastikan sa dalawa na dating magkatunggali sa pampanguluhang halalan noong 2022.

“My President Mam Leni @atty.lenirobredo  with OUR President, Ferdinand Marcos, Jr. Walang balimbingan o plastikan. Pagpapasalamat lamang sa sumusuporta sa kanyang mahal na lungsod at bayan,” saad ni Sharon.

“Ang balimbing ay iiwan ang tapat na samahan para sa pangsariling kapakanan,” pagpapatuloy niya. “Ang nagmamalasakit ay lalagay sa tama, lalo kapag na-traydor, at higit lalo kung para sa kapakanan ng taumbayan.”

Tsika at Intriga

Hindi kinaya! Newscaster, natawa habang ibinabalita si 'Bol Bol'

Dagdag pa ng Megastar, “Ang plastic ay lahat kinakaibigan para sa sariling kapakanan. Ang sibilisado at disente ay nakikitungo at rumerespeto sa sinumang rumerespeto sa kanya nang hindi sinusuko ang prinsipyo.”

Samantala, nauna nang pabulaanan ng kampo nina Mayor Leni at Pangulong Bongbong na politika ang sadya ng kanilang pagkikita.

Maki-Balita: 'Zero Chance!' Mayor Leni, nilinaw na 'di politika ipupunta sa Naga ni PBBM

Kaugnay na Balita: PBBM, ibinidang nagsuot ng medyas na pink sa pagbisita sa Naga!

Binisita ng Pangulo ang Naga upang talakayin ang implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa lungsod na pinamumunuan ni Mayor Leni.

Maki-Balita: ‘Totoo po na bibisita!' Palasyo, kinumpirma na magkikita sina PBBM, Robredo