February 22, 2026

Home SHOWBIZ

Ryza Mae Dizon, naka-heart match ang childhood crush!

Ryza Mae Dizon, naka-heart match ang childhood crush!
Photo Courtesy: Screenshots from TVJ (FB)

Muling nagkrus ang landas nina “That’s My Boy” 2nd Runner-Up Jacob Briz at 2012 Little Miss Philippines Ryza Mae Dizon.

Sa isang episode kasi ng “Eat Bulaga” kamakailan, sumalang si Ryza bilang searcher ng special edition ng segment na “Heart 2 Heart.”

At isa sa tatlong searchee ng segment ay si Jacob, na childhood crush ni Ryza. 

Kaya naman gayon na lang ang kilis ni Ryza nang si Jacob ang mapili niya batay sa pagkakatugma ng kanilang mga gusto.

Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai, hiniwalayan ni Gerald sa text: 'Di na siya masaya, gusto niya magkaanak!'

“Hi, Ryza,” sabi ng binatilyo. “I’m Jacob Briz.”

“Hala, si Jacob,” usal ni Ryza. “‘Yong ‘That’s My Boy.’ Crush ko po siya noong bata ako.”

Kinumpirma naman ito ni Jacob saka nagpakilala sa ermats ng 2012 Little Miss Philippines.

Sa kasalukuyan, 17-anyos na si Jacob samantalang si Ryza naman ay 20-anyos na. 

Matatandaang minsan nang nagkasama ang dalawa sa isang episode ng “The Ryza Mae Show” kung saan madalas umano silang magpa-cute sa isa’t isa.