February 22, 2026

Home BALITA

Pinakamaraming bilang ng HIV case sa MIMAROPA, naitala sa Oriental Mindoro!

Pinakamaraming bilang ng HIV case sa MIMAROPA, naitala sa Oriental Mindoro!

Naitala sa probinsya ng Oriental Mindoro ang pinakamataas na ko ng human immunodeficiency virus (HIV) sa rehiyong Mimaropa ayon sa ulat ng Department of Health–Center for Health Development (DOH-CHD).

Sa report na inilabas noong Sabado, Pebrero 21, 2026, sinabi ng DOH na umabot na sa 745 ang kabuuang kaso sa lalawigan mula pa noong 1999. Noong Nobyembre 2025 lamang ay nadagdagan ito ng 12 bagong kaso.

Sa buong rehiyon, sumunod ang Palawan na may 632 kaso, Occidental Mindoro na may 330, Romblon na may 197, at Marinduque na may 148.

Pinakamarami ang naitala sa Calapan City na may 206 kaso, kasunod ang Pinamalayan (76), Naujan (68), Bongabong (53), Puerto Galera (51), Roxas (46), Gloria (43), Victoria (36), Socorro (34), Bansud (31), Baco (26), Bulalacao (15), at San Teodoro (14).

Probinsya

Lalaking naglalako ng 'online ATM accounts,' timbog!

Ayon sa DOH, karamihan sa mga naitalang kaso ay nasa edad 25 hanggang 34. Sa 745 kabuuang kaso, 365 na persons living with HIV (PLHIV) ang kasalukuyang sumasailalim sa antiretroviral therapy.

Ipinaliwanag ni Provincial Health Officer Dr. Cielo Ante na ang pagdami ng kaso ay nagpapakita ng patuloy na hamon sa kalusugan ng publiko ngunit indikasyon din ng mas pinaigting na pagtukoy at pamamahala sa sakit.

“Since 2015, when the Oriental Mindoro Provincial Hospital began offering free HIV testing and services, it has become the primary referral center in the province and neighboring areas for HIV screening and the dispensing of free antiretroviral drugs (ARV) to diagnosed cases,” ani Ante.

Bilang tugon sa target ng UNAIDS na 95–95–95 pagsapit ng 2030 — kung saan 95% ng may HIV ay alam ang kanilang status, 95% ng diagnosed ay tumatanggap ng gamutan, at 95% ng ginagamot ay nakakamit ang viral suppression — lumipat ang lalawigan mula sa passive patungo sa aktibong paghahanap ng mga kaso.