February 22, 2026

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Pet dog, inabandona sa airport ng fur parent; dumurog sa puso ng netizens

Pet dog, inabandona sa airport ng fur parent; dumurog sa puso ng netizens
Photo courtesy: Las Vegas Metropolitan Police Department (IG)

Ibinahagi ng Las Vegas Metropolitan Police Department (LVMPD) sa kanilang opisyal na Instagram account na ligtas nang nakarating sa bago at mapagmahal na tahanan ang asong nasagip nila noong Pebrero 2 sa Harry Reid International Airport.

Ang aso, na tinawag na “Jet Blue,” ay isang tinatayang dalawang taong gulang na goldendoodle/mini poodle mix.

Nasagip siya ng mga opisyal at staff ng LVMPD sa naturang paliparan sa gitna ng isang insidente na hindi na detalyadong tinukoy sa post.

Ayon sa pahayag, tuluyan nang naipamigay si Jet Blue sa tulong ng Retriever Rescue of Las Vegas. Ang masuwerteng pamilya na napiling umampon ay mismong pamilya ng isa sa mga opisyal na tumulong sa pagsagip sa kaniya, na si Officer Skeeter Black.

Kahayupan (Pets)

ALAMIN: Saan pwedeng lumapit para sa libreng konsultasyon tungkol sa animal cruelty cases?

"LVMPD Officer Skeeter Black and his family had been working to adopt a golden doodle since September 2025 through Retriever Rescue of Las Vegas. After already being approved months ago, they were selected as Jet Blue’s new forever home," mababasa sa Instagram post ng LVMPD nitong Linggo, Pebrero 22.

Matagal na umanong naghahangad ang pamilya ni Officer Black na makapag-ampon ng goldendoodle. Noong Setyembre 2025 pa sila nagsimulang makipag-ugnayan sa Retriever Rescue of Las Vegas at naaprubahan na rin ilang buwan na ang nakalipas. Sa huli, sila ang napili upang maging “forever home” ni Jet Blue.

Sa kanilang post, nagpahayag ng pasasalamat ang LVMPD sa komunidad na nagpakita ng napakalaking suporta sa buong proseso ng pagsagip at pag-aalaga sa aso.

“The outpouring of support from our community throughout this situation has been overwhelming,” ayon sa departamento, at labis umano silang nagpapasalamat sa lahat ng tumulong upang matiyak na natanggap ni Jet Blue ang pag-aaruga at malasakit na nararapat sa kanya.

Tinapos ng LVMPD ang kanilang mensahe sa isang emosyonal na pagbati.

“Bon voyage, Jet Blue, and welcome to a new life where you’ll be loved beyond words by Officer Black and his family," anila pa.