Nasa 65 katao na ang mga nasawi mula sa trahedyang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3, ngayong Linggo, Pebrero 22.
Ayon pa sa consolidated na tala ng PCG sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), 14 indibidwal pa ang nanatiling hinahanap habang tinatayang 293 ang survivors mula sa trahedya.
Samantala, nagpapatuloy ang “full-blown investigation” na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga awtoridad na naunang umarangkada noong Enero 26, upang maimbestigahan ang mga pangyayari sa likod ng paglubog.
MAKI-BALITA: PBBM, nag-utos ng ‘full-blown investigation’ sa M/V Trisha Kerstin 3
Nakatakda rin sampahan ng mga kasong administratibo ang Aleson Shipping Lines, Inc., na operator ng MV Trisha Kerstin 3 dahil sa mga kasong negligence and safety lapses nito, ayon sa Department of Transportation (DOTr) noong Pebrero 11.
MAKI-BALITA: Operator ng MV Trisha Kerstin 3, sasampahan ng mga kasong administratibo; 14 personnel, sinibak!
Sean Antonio/BALITA