February 22, 2026

Home BALITA

Mayor Leni, pinasalamatan si PBBM para sa budget ng Naga Coliseum

Mayor Leni, pinasalamatan si PBBM para sa budget ng Naga Coliseum
Photo Courtesy: Leni Robredo (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat si Naga City Mayor Leni Robredo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa paglalaan ng ₱500 milyong budget sa Naga Coliseum.

Sa latest Facebook post ni Robredo nitong Linggo, Pebrero 22, makikita ang larawan nilang dalawa ng Pangulo kalakip ang mensahe ng pasasalamat para sa mga indibidwal na naging bahagi para maisakatuparan ito.

“Maraming salamat, Mr. President, sa pag-turn-over ng ₱500M Special Allotment Release Order (SARO) para sa pagpapabuti ng ating Coliseum,” saad ni Robredo.

Dagdag pa niya, “Salamat din kay Senator Kiko Pangilinan na hiningan namin ng tulong para dalhin ito sa Malacañang. Nagpapasalamat din kami kay Executive Secretary Ralph Recto sa pagpapadali sa aming kahilingan.”

Probinsya

Pusang buntis na inakalang patay na, itinapon sa tulay!

Ayon sa alkalde, magagawa umano nilang mapabuti ngayong taon ang naturang pasilidad na ilang taong napabayaan, kabilang ang Naga Sports Complex at Naga City Civic Center.

Matatandaang bumisita si Marcos, Jr. sa balwarte ni Robredo para talakayin ang implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa Naga City.

Maki-Balita: ‘Totoo po na bibisita!' Palasyo, kinumpirma na magkikita sina PBBM, Robredo