February 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Friendship goals? Mag-beshie na tulak ng shabu, timbog!

Friendship goals? Mag-beshie na tulak ng shabu, timbog!
Photo courtesy: Screenshot from News5 (FB)

Nadakip ang dalawang matalik na magkaibigang suspek sa paglalako ng shabu sa ikinasang buy-bust operations ng mga awtoridad sa Brgy. Saguing, Dinalupihan, Bataan noong Sabado, Pebrero 21.

Ayon sa ulat ng News5, kapwa nahuli ng mga pulis na nagpanggap na customer sina "Jack at "Gil" na nagbebenta ng droga.

Nakuha umano sa kanila ang 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na may presyong ₱17,000, at isang cellphone na anila'y ginagamit nila sa pakikipagtransaksyon.

Isinakay ang dalawa sa mobil ng pulis habang nakaposas ang tig-isang kamay nila sa isa't isa.

Probinsya

Motorista, nagbabala: Lalaki, puwersahang nambubukas ng pinto ng kotse sa Bacoor Boulevard!