February 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Face-to-face classes sa Iloilo City, sinuspinde dahil sa ASEAN meetings

Face-to-face classes sa Iloilo City, sinuspinde dahil sa ASEAN meetings
Photo courtesy:Tara Yap (MB)

Sinuspinde na ang face-to-face classes sa mga paaralan sa Iloilo City simula Miyerkules, Pebrero 25 hanggang Biyernes, Pebrero 27, upang bigyang-daan ang pangunguna ng lungsod sa ika-49 High-Level Task Force sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Economic Integration.

Ayon sa anunsyo ni Iloilo City Mayor Raisa Treñas noong Sabado, Pebrero 21, layunin ng direktibang itong ibsan ang daloy ng trapiko sa daan at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga delegado, residente, at mga mag-aaral sa kasagsagan ng pagtitipong ito sa pagitan ng mga bansa. 

“This proactive measure is intended to help ease traffic congestion and ensure the safety and security of delegates, residents, and our students during this high-level international gathering,” ani Treñas.

Sa mga araw na ito, hinihikayat ni Treñas ang mga paaralang pansamantalang ilipat ang kanilang klase sa online o alternative learning modalities upang matiyak naman ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga estudyante. 

Probinsya

Higit 50 katao, nawawala sa gumuhong landfill sa Rizal; ilang pamilya, inalok ng pera 'wag lang magsalita?

“During this period, schools are urged to temporarily shift to online or alternative learning modalities to ensure that the education of our students continues uninterrupted,” dagdag pa ng alkalde. 

Sa kaugnay na ulat, ang pagtitipon para sa ASEAN Economic Integration ay nakatakdang isulong sa Iloilo City mula Pebrero 25 hanggang 27, kung saan, tinatayang 1,707 kapulisan ang idineploy ng Police Regional Office in Western Visayas (PRO 6) upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalong delegado at bisita. 

Sean Antonio/BALITA