February 22, 2026

Home BALITA

Chinese Embassy, pinabulaanang may kaugnayan nasakoteng Mongolian sa China

Chinese Embassy, pinabulaanang may kaugnayan nasakoteng Mongolian sa China
Photo courtesy: MB, BI


Itinanggi ng Chinese Embassy-Manila na may kaugnayan sa gobyerno ng bansang China ang naarestong Mongolian national ng Bureau of Immigration (BI) kamakailan.

Kasunod ito ng pagtimbog sa naturang dayuhan dahil sa umano’y “espionage-linked activities” nito sa Zambales, na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa.

MAKI-BALITA: Mongolian, tiklo matapos ang umano'y ‘pag-eespiya’-Balita

Ayon sa ibinahaging pahayag ng embahada sa kanilang Facebook page nitong Linggo, Pebrero 22, wala raw kaugnayan ang naturang suspek sa bansang China.

“To the best of our knowledge, this individual has no affiliation with China,” anang embahada.

Giit pa nila, “Prejudging the matter before the facts are fully ascertained is fundamentally flawed and runs counter to basic principles of objectivity.”

Photo courtesy: Chinese Embassy Manila/FB

Samantala, patuloy na nananatili sa kustodiya ng immigration ang natiklong dayuhan.

Inaasikaso na rin ng mga awtoridad ang deportation proceedings ng Mongolian national.

Vincent Gutierrez/BALITA