February 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Bol Bol' sana hindi na-offend, sey ng natawang newscaster

'Bol Bol' sana hindi na-offend, sey ng natawang newscaster
Photo courtesy: TnT Tropang 5G, Barbie Muhlach (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang nangyaring pagtawa ni "Balitang A2Z" news anchor Barbie Muhlach habang ibinabalita ang sports news tungkol sa pagdating sa Pilipinas at paglalaro ni National Basketball Association (NBA) basketball star "Bol Bol" sa Philippine Basketball Association (PBA), na nakatakdang maglaro para sa koponang TNT Tropang 5G.

Sa February 20 newscast, makikitang sa simula, pinipigilan pa ni Barbie ang pagtawa subalit maya-maya, hindi na niya napigilan at tumatawa na habang inihahatid ang ulat.

Naitawid naman ng news personality ang kaniyang pagbabalita kahit natatawa na.

Ibinahagi naman ng co-news anchor na si Raff Herida ang video clip nito.

Tsika at Intriga

Hindi kinaya! Newscaster, natawa habang ibinabalita si 'Bol Bol'

"Kaya pa Ms Barbie Muhlach?" aniya.

Ibinahagi rin ni Barbie ang mismong video clip. Aniya, natawa raw siya nang makita ang ibang mga kasamahan sa studio na natatawa.

"Kasalanan mo to Kaka Raff Herida. Buti naman at we can all share a light hearted moment ahead of yet another series of stressful and polarizing news events this coming week. Been paying my due in media since 2009 and di ko talaga akalain matatawa pa ko but It’s the muffled laughs at the studio that really got me ahahaha," aniya.

Sana lang daw, hindi na-offend sa kaniya ang basketbolista.

"I just hope we did not offend Mr. Bol," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Barbie Muhlach/FB

Marahil, natawa ang newscaster maging ang iba pang mga kasamahan sa studio, dahil katunog ng pangalan at apelyido ng basketbolista ang salitang katumbas ng "pubic hair" sa wikang Filipino (bulbol). 

Si Bol Bol ay isang South Sudanese-American basketball player na dati nang naglaro sa NBA, at ngayon nga, ay maglalaro na sa PBA.

Ilan sa mga koponang kinabilangan niya sa NBA ay Denver Nuggets, Orlando Magic, at Phoenix Suns mula 2019 hanggang 2025.

Ngayong 2026, import player si Bol Bol sa TNT Tropang 5G sa 2026 PBA Commissioner's Cup. Pinayagan ang koponan na magkaroon ng import player dahil wala naman itong height limit.

"Bol boys! Nagsimula nang mag-workout si Bol Bol kasama ang TNT Tropang 5G coaches at staff!" makikita sa post ng koponan noong Pebrero 20.

Ibinida rin nila ang pagdating basketball player noong Pebrero 19.