February 22, 2026

Home BALITA National

BOC, binalaan OFWs sa modus ng libreng tour, trabaho, sa pagpuslit ng mga ilegal ng droga

BOC, binalaan OFWs sa modus ng libreng tour, trabaho, sa pagpuslit ng mga ilegal ng droga
Photo courtesy: MB

Nagbigay ng babala ang Bureau of Customs (BOC) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa modus na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa at mga libreng tour ng mga sindikato. 

Ayon sa babala ng BOC sa OFWs nitong Linggo, Pebrero 22, ang mga nasabing modus ay madalas ginagamit upang makapagpuslit ng iligal na droga pauwi ng Pilipinas. 

Kaya upang matiyak ang kaligtasan, inilahad ng BOC ang mga sumusunod na paraan upang hindi mabiktima ng mga sindikatong ito: 

- Tiyakin na lehitimo at akreditado ang recruiter at employers. 

National

'Ikuwento natin 'yong nakita natin!' Sen. Bam, may hiling sa mga nakasaksi sa EDSA People Power I

- Maiging suriin ang mga dokumento at travel arrangements. 

- Huwag hayaan na may ibang tao na maglagay ng anumang bagay sa personal na bagahe. 

- Huwag pumayag na ibang tao ang magdadala ng kagamitan o bagahe. 

Para sa OFWs na makakita ng mga kahina-hinalang bagay sa bagahe o may kutob na nabiktima ng modus na ito, hinihikayat ng BOC na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang agad na mabigyang tulong at maiwasan ang banta sa seguridad. 

Sean Antonio/BALITA