February 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai, hiniwalayan ni Gerald sa text: 'Di na siya masaya, gusto niya magkaanak!'

Ai Ai, hiniwalayan ni Gerald sa text: 'Di na siya masaya, gusto niya magkaanak!'
Photo Courtesy: Screenshot from Karen Davila (YT), via MB

Ibinahagi ni Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ang dahilan sa likod ng hiwalayan nila ng mister niyang si Gerald Sibayan.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi ni Ai Ai na gusto na raw magkaanak ni Gerald at hindi na masaya sa relasyon nilang dalawa.

“Tinext ako no’ng madaling-araw na hindi na siya masaya. Gusto niyang magkaanak, gano’n,” lahad ni Ai Ai.

Aniya, matatanggap naman daw sana niya ang desisyong ito ni Gerald kung sinubukan siya nitong kausapin para kahit papaano ay magkaroon ng magandang wakas ang kanilang relasyon.

Relasyon at Hiwalayan

'Handa na po ang susuotin ko!' Jodi Sta. Maria, bumati kina Pampi Lacson, Iwa Moto

“Okay ako do’n, okay ako. Masama lang akong magalit. Siyempre, magagalit ako. Pero hanggang do’n lang ‘yon. Kaya mo akong kausapin. Pero hindi nangyari, e,” dugtong pa niya.

Bago pa man ito, nakakaramdam na raw ang komedyante na may iba nang babae sa buhay ang mister niya. Napansin niya umano ito sa mga maliliit na pagbabago kay Gerald gaya noong madalas na siyang kausapin nito sa wikang English. 

Matatandaang kinumpirma ni Ai Ai sa mismong kaarawan niya noong Nobyembre 11, 2024 ang hiwalayan nila ni Gerald matapos ang mahigit isang dekada nilang pagsasama.

Maki-Balita: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan