February 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Tunay kaya? 'Alien files,' isasapubliko ni US President Trump!

Tunay kaya? 'Alien files,' isasapubliko ni US President Trump!

Inihayag ni US President Donald Trump na uutusan niya ang kanilang federal agencies na simulan ang paglalabas ng mga dokumento ng pamahalaan kaugnay sa mga alien at unidentified flying objects (UFOs), dahil umano sa matinding interes ng publiko sa usapin.

Sa isang social media post kamakailan, sinabi ni Trump na aatasan niya si Pentagon chief Pete Hegseth at iba pang ahensya na ilabas ang impormasyon, at tinawag ang usapin na "extremely interesting and important."

Matatandaang nauna na niyang pinuna si dating US President Barack Obama hinggil sa umano’y maling paglalabas ng classified information nang magsalita ito sa publiko tungkol sa mga alien.

"He took it out of classified information ... He's not supposed to be doing that," pahayag ni Trump sa media.

Internasyonal

US President Trump, binanatan paniniwala ni Obama sa mga 'aliens'

KAUGNAY NA BALITA: US President Trump, binanatan paniniwala ni Obama sa mga 'aliens'

Sa isang panayam kasama ang podcast host na si Brian Tyler Cohen, tinanong si Obama kung totoo ang mga alien.

“They’re real, but I haven’t seen them, and they’re not being kept in … Area 51. There’s no underground facility unless there’s this enormous conspiracy and they hid it from the president of the United States,” ani Obama.

Ang Area 51 ay isang classified Air Force facility sa Nevada na matagal nang pinaniniwalaan ng ilang conspiracy theorists na nagtatago ng mga katawan ng alien at bumagsak na sasakyang pangkalawakan. 

Ayon naman sa National Archives and Records Administration, may hawak itong iba’t ibang koleksyon ng rekord na may kaugnayan sa UFOs.

Samantala, aminado rin si Trump na hindi rin daw niya alam kung totoo ang mga aliens o hindi.

“Well, I don't know if they're real or not,” saad niya.v