Nakiusap sa publiko ang drag artist na si Sofia Trazona na tigilan ang pamumutakti sa ermat niyang si dating SexBomb Girls member Izzy Trazona.
Sa isang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 21, mababasa ang screenshot ng conversation nilang mag-ina.
“[O]kay po kami ni mama don’t worry! please stop sending hate towards her. i love my mom so much,” saad ni Sofia sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sana mas bigyan pa ng wisdom mommy izzy mo at ma-enligthen siya sa tunay na sitwasyon. Pala ngiti si mommy mo sa mga interviews kasama husband niya pero halatang pilit "
"Love and Obey your parents, this is the first commandment that is sealed with a promise for a better life. "
"Always stay on her side. Even from a distance."
"Seems like she’s not ready to meet up with u sis.."
"Did she ever tell you she is proud of you?"
"Di niya sinagot ang tanong kung okay lang siya. She's a mother at titiisin niya lahat wag lang mag-alala ang anak..."
"bet ko ung ' okay ka Lang Jan? gusto mo mag shopping tayo ? sana Lahat ng anak ganito LaLo kapag aLam niLang stress ang parents niLa "
"Yung post mo na Convo niyo mag ina,haysst tagos sa puso talaga para sa akin .yung simpleng kumustahan Pero bakit naluluha ako palagi ."
Matatandaang kamakailan ay inilahad ni Sofia na nananatiling “unresolved” ang ugnayan nila ng kaniyang ina.
Ngunit matapos ito, inilabas ni Izzy ang screenshot ng convo nila ng anak bilang patunay na nakakapag-usap pa rin sila.
Maki-Balita: 'Ayoko na sana i-public!' Izzy Trazona, ibinalandra 'resibo' ng pag-uusap nila ng anak