Personal na pumunta at bumisita ang senador na si Sen. Risa Hontiveros sa Kalayaan Island Group (KIG) bilang tanda umano sa pagtindig para sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa mga ibinahaging larawan ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 21, 2026, makikitang mainit siyang tinanggap ng mga Philippine Navy, Armed Forces of the Philippines (AFP), at miyembro ng munisipalidad ng Pagasa Island, Spratlys, Kalayaan.
“Atin ang West Philippine Sea,” pagsisimula niya sa caption ng kaniyang post.
Photo courtesy: Sen. Risa Hontiveros (FB)
Ani Hontiveros, pagpapakita umano ng suporta at pakikiisa mga Pilipino ang dahilan ng kaniyang personal na pagpunta sa KIG.
“Ang pagbisita ko dito sa Pag-asa Island, na bahagi ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea, ay pagpapakita lamang ng suporta at pakikiisa sa mga kapwa nating Pilipino na nandito sa Kalayaan,” diin niya.
Anang senador, hindi raw dapat pabayaan ang mga Pilipino at munisipalidad sa KIG at tunay raw na napakaganda ng nasabing isla kaya dapat lang daw na protektahan at ipaglaban ang pag-aari ng Pilipinas.
“Sila at ang munisipalidad nila ay bahagi ng Pilipinas kaya hinding-hindi sila dapat pabayaan.
The Philippines is made up of thousands of beautiful islands, including Kalayaan. Napakaganda ng lugar na ito, tulad ng iba pang mga isla at likas-yaman sa ating bansa,” aniya.
“We must protect and defend it with all that we’ve got,” pagtatapos pa niya.
Dahil dito, nakakuha naman ng suporta mula sa netizens si Hontiveros. Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa kaniyang post:
“Go Sen Risa we support you.”
“YES! ATIN ANG WPS”
“Salute to you all Maam and Sir!”
“Salamat po madam senator isa po kayung tunay na matapang at makabayang Pilipino. WPS/KIG atin to!! Mabuhay po kayo”
“Salamat Sen. Risa Hontiveros atin ang Philippines sea”
“Good luck all for the service of Filipinos God bless”
“Ganyan po ang totoong leader may paninindigan sa bayan mabuhay ka Sen Hontiveros”
“Maraming Salamat po madam Risa Hontiveros keep fighting our rights. And WPS ay para sa Pilipino.”
“Satin yan at atin yan 101% salamat Senator Risa Hontiveros at sa iba pang senators na lumalaban sa teritoryo salute sa mga pccg”
KAUGNAY NA BALITA: ‘We will not be silenced!’ Sen. Risa, sumabat sa pag-alma ng China sa Senate reso
KAUGNAY NA BALITA: 'They kept replying!' Chinese Embassy, parang isang troll farm—Sen. Risa
Mc Vincent Mirabuna/Balita