February 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Pulis sa Rizal, sasampolan matapos mag-motorsiklo nang walang helmet

Pulis sa Rizal, sasampolan matapos mag-motorsiklo nang walang helmet
Photo Courtesy: Rizal Police Provincial Office (FB)

Naispatan ang isang pulis sa probinsya ng Rizal na walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Sa isang Facebook post ng Rizal Police Provincial Office nitong Sabado, Pebrero 21, sinabi nilang inatasan na ng provincial director ang mga kinauukulan upang tukuyin ang identidad ng naturang pulis at alamin ang kabuuang detalye at konteksto ng insidente.

“Hindi katanggap-tanggap ang anumang paglabag sa batas, lalo na kung ito ay nagmumula sa hanay ng kapulisan,” saad ni PCOL Eleazar R. Barber, Jr. na siyang tumatayong provincial director ng nasabing himpilan.

Dagdag pa niya, “Inatasan ko na ang masusing imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan. Kung mapatutunayang may pagkukulang, agad itong aaksyunan.”

Probinsya

Outbreak ng tigdas at tigdas-hangin, mataas ang posibilidad sa Mindanao!

Sakaling mapatunayang lumabag ang kanilang kabaro, hindi umano sila mag-aatubiling patawan ito ng administrative sanctions alinsunod sa umiiral na alituntunin.

Sa huli, hinikayat ng himpilan ang publiko na patuloy na makipag-ugnayan sa kanila upang isumbong ang mga insidenteng may kinalaman sa maling asal ng mga pulis.