Mariing nagpasalamat si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela kay Sen. Risa Hontiveros dahil sa naging personal na pagpunta at pagbisita nito sa Kalayaan Island Group (KIG).
Ayon sa naging pahayag ni Tarriela sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 21, 2026, makikita ang larawan nilang kasama si hontiveros at sinabi niya saludo umano siya sa katapangan ng senador sa pagsakay sa MDA flight papunta KIG.
“My snappy salute to Senator Risa Hontiveros for her bravery to join the MDA flight to the Kalayaan Island Group, eventually landing on Pag-asa Island to visit the local residents,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Tarriela.
Pagpapatuloy niya, taos-puso raw siyang nagpapasalamat sa pagbibigay ng “groceries,” pag-oorganisa ng medical check-ups, at pagbibigay ng 20 portable desalinator machines ni Hontiveros sa mga tropa nilang nagbabantay sa nasabing isla.
“My heartfelt thanks also go to her for supplying groceries for the locals, organizing a medical mission complete with doctors and portable one-stop labs for comprehensive health check-ups, and generously providing over 20 portable desalinator machines to support our troops in different maritime features in KIG,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang personal na bumisita si Hontiveros sa KIG bilang tanda umano sa pagtindig para sa West Philippine Sea (WPS) nito ring Sabado, Pebrero 21.
Ani Hontiveros, pagpapakita umano ng suporta at pakikiisa mga Pilipino ang dahilan ng kaniyang personal na pagpunta sa KIG.
Dagdag pa niya, hindi raw dapat pabayaan ang mga Pilipino at munisipalidad sa KIG at tunay raw na napakaganda ng nasabing isla kaya dapat lang daw na protektahan at ipaglaban ang pag-aari ng Pilipinas.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, personal na bumisita sa Kalayaan Island Group!
Mc Vincent Mirabuna/Balita