Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kaniyang naging pagbisita sa Naga City ang pagsusuot niya ng mga medyas na kulay “pink” bilang “honor” o dangal umano kay dating Vice President at kasalukuyang Mayor Leni Robredo.
Ayon sa naging panayam ng media sa Pangulo sa pagbisita niya sa Oplan Kontra Baha program sa Naga City nitong Sabado, Pebrero 21, 2026, nilinaw niya sa publiko na mahalaga raw na unahin muna nila ang serbisyo sa halip na politika.
“Serbisyo muna bago politika,” pagsisimula niya.
Ani PBBM, ang pagsusuot ng medyas na kulay “pink” o kakulay ng campaign color sa presidential election noon ni Robredo na “kulay rosas” ang pinakang-politikal na nagawa niya sa naturang pagbisita.
“The most political thing that we did today, I wore my pink socks—my pink socks in honor of Mayor Leni,” aniya.
Samantala, sa parehong panayam, mariing hindi nagbigay ng komento si PBBM kaugnay sa naging pag-aanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Halalan 2028.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
“Nothing really. That’s her [VP Sara] choice.”
Dagdag pa rito, pinili ng hindi magbigay ng komento ng Pangulo sa usap-usapang ang kapatid niyang senador na si Sen. Imee Marcos ang magiging katambal ni VP Sara sa nasabing paparating na eleksyon.
“Again, this is all politics. We’re not going to discuss politics… what we are here for is try and find solution to this very important problem,” saad niya.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee 'forever running mate' ni VP Sara: 'Basta sunud-sunuran ako do'n!'
Pagpapatuloy pa ni PBBM, dapat na sa magtuon sila sa problemang patungkol sa bahay sa Naga City, Camarines Sur, at iba pang saklaw ng Oplan Kontra Baha program para sa taumbayan.
“Very critical problem not only here in Naga City but also in Cam Sur. And for that matter, for the whole people. That’s what we are concentrating,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Zero Chance!' Mayor Leni, nilinaw na 'di politika ipupunta sa Naga ni PBBM
KAUGNAY NA BALITA: ‘Totoo po na bibisita!' Palasyo, kinumpirma na magkikita sina PBBM, Robredo
Mc Vincent Mirabuna/Balita