February 21, 2026

Home BALITA National

'Congressmen, 'di matatakot sa deklarasyong pagtakbo ni VP Sara!'—Rep. Abante

'Congressmen, 'di matatakot sa deklarasyong pagtakbo ni VP Sara!'—Rep. Abante
Photo courtesy: File Photo

Tila sigurado umano si Manila 6th district Rep. Bienvenido "Benny" Abante, Jr., na hindi matatakot ang karamihan ng mga congressman sa maagang pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2028 kaugnay sa kakaharapin nitong mga impeachment complaint.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Abante sa pagtakbo ni VP Sara: 'She might be winnable, but not unbeatable'

Ayon sa isinagawang news forum nina Abante sa Kamara nitong Sabado, Pebrero 21, 2026, sinabi niyang “blessing in disguise” at “ma-e-expose” raw sa maraming katanungan si VP Sara dahil na rin sa maaga niyang pag-aanunsyo ng kaniyang kandidatura. 

“Sa kaniyang napakaagang announcement, dalawa ang nabanggit ko. It might be a blessing in disguise do’n sa lalaban sa kaniya,” pagsisimula niya. 

National

PCG Spox Tarriela, taos-pusong nagpasalamat kay Sen. Risa: ‘Snappy salute for her bravery’

Dagdag pa niya, “Pangalawa, nag-announce siya nang maaga, that would put her in a place in which ma-e-expose lalo siya, e.” 

Ani Abante, palagay raw niyang hindi naman matatakot ang maraming mga congressman sa nasabing anunsyo ni VP Sara upang isulong ang mga impeachment complaint na kakaharapin nito. 

“Ang palagay ko, hindi naman siguro matatakot ang karamihan ng mga congressman sa kaniyang presidency,” aniya. 

“Kasi ang pinag-uusapan sa impeachment complaint, hindi naman ‘yong 2028, e. Kundi ‘yong 2026. Ang pinag-uusapan natin dito, ‘yong kaniyang posisyon ngayon,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si VP Sara kaugnay rito. 

Matatandaang isa si Abante sa nag-endorso at ng ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Sara na inihain ni Atty. Nathaniel Cabrera inendorso rin ni Deputy Speaker at La Union 1st district Rep. Paolo Ortega V noon ding araw nang magdeklara ang bse presidente ng kaniyang kandidatura. 

Sa reklamo, hiniling ni Cabrera ang impeachment at paglilitis sa Senado laban sa bise presidente dahil sa umano’y betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, at iba pang matataas na krimen.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Abante, Rep Ortega, inendorso ikaapat na impeachment complaint kay VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

Mc Vincent Mirabuna/Balita