February 21, 2026

Home SHOWBIZ

Archie, sinita mga nakikisawsaw sa isyu nina Izzy, Alvin: 'Wala kayong pakialam!'

Archie, sinita mga nakikisawsaw sa isyu nina Izzy, Alvin: 'Wala kayong pakialam!'
Photo Courtesy: Archie Alemania (IG)

Sinaway ng aktor na si Archie Alemania sa mga nakikisali sa pambabatikos sa dating SexBomb Girls member na si  Izzy Trazona at sa mister nitong si Alvin Aragon.

Sa isang Instagram story ni Archie kamakailan, sinabi niyang ipaubaya na lang umano sa Diyos ang isyu sa pagitan ng mag-asawa.

“'Yong issue kay alvin at Izzy hayaan nyo na it’s between them and God. Tama man or mali sa paningin nyo, wala kayong pakialam; let God be the judge of that,” saad ni Archie.

Dagdag pa niya, “May kanya-kanya tayong walk sa ating pananampalataya. Let God be the judge of everything. Just do ur own thing.”

Sofia Trazona, umapelang huwag putaktihin ang ina: 'Okay po kami!'

Matatandaang naging kontrobersiyal si Alvin matapos niyang magbigay ng pananaw sa isang panayam hinggil sa pagiging transwoman ng anak-anakan niyang si Sofia Trazona, na umani ng samu’t saring reaksiyon.

Bukod dito, hinaluan din niya ng malisya ang pangalan, pananamit, at pagtatanghal ng SexBomb Girls na tila hindi umano kaaya-aya sa mata ng Diyos.

Basahin: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality