February 21, 2026

Home BALITA Metro

Aayusin ‘di nanakawin! Lalaking nag-viral matapos mapagkamalang magnanakaw, may nilinaw

Aayusin ‘di nanakawin! Lalaking nag-viral matapos mapagkamalang magnanakaw, may nilinaw
Photo courtesy: Contributed photo

May nilinaw ang isang lalaki mula sa viral video na nagkalat sa social media matapos siyang mapagkalamang magnanakaw ng kable ng kuryente na biglang pumutok paglapit niya.

Mapapanood sa video na lumapit ang naturang laki sa kable ng kuryente na nakalaylay malapit sa isang kalsada, ngunit ng hawakan niya ito, ay bigla na lamang itong sumiklab, dahilan upang lumayo na lamang siya.

Ayon sa Antipolo City Component Police Station (Antipolo CCPS), naganap ang insidente sa parking lot ng isang mall sa kahabaan ng Sumulong Highway sa Barangay Mambugan noong Pebrero 15, 2026 at iniulat sa pulisya noong Pebrero 19, matapos kumalat ang video na in-upload ng isang netizen na nagngangalang “Kris.”

Kinilala ang lalaking nasa video sa alyas na “Hans,” isang empleyadong boluntaryo sa waste management collection services ng Barangay Mambugan. 

Metro

Menor de edad, nalunod dahil sa epileptic seizure habang lumalangoy

Personal siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya kasama ang mga opisyal ng barangay upang ipaliwanag ang kaniyang panig.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Hans na napansin niya ang nakalaylay na kable sa Sumulong Highway at sinubukan niya itong ayusin gamit ang pliers at electrical tape upang maiwasan ang posibleng pinsala sa mga dumaraan. 

Hindi rin umano niya alam na kinukunan siya ng video habang ginagawa ang pag-aayos. Bagay na pinanigan ng mga awtoridad, “The electrical cable sparked, creating the impression that he intended to steal the wires.”

Nakipag-ugnayan na ang Antipolo CCPS sa Barangay Mambugan at sa Meralco sa Antipolo City para maisaayos ang nasabing mga kable

 Nilinaw din ng pulisya na hindi ikinulong si Hans at pinatunayan ng barangay na siya ay lehitimong empleyado nito.