February 22, 2026

Home BALITA Probinsya

3-anyos na bata, nakaligtas matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang SUV; driver, patay!

3-anyos na bata, nakaligtas matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang SUV; driver, patay!

Isang bangkay ng lalaking nakagapos at balot ng duct tape ang ulo ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Cotabato City.

Ayon sa mga ulat, nangangamoy na raw ang naturang bangkay na napag-alamang nasa state of decomposition na. 

Natagpuan ng mga residente ang bangkay na tinatayang nasa edad 30–40 taong gulang at may taas umano na nasa  5’5”–5’6”, at nakasuot ng brown na short na may markang 18.

Sa panayam ng isang local news outlet sa mga awtoridad, iginiit ng pulisya na hindi raw nila iniaalis ang posibilidad na na maaaring biktima ng summary execution ang nasabing bangkay.

Probinsya

Bangkay ng lalaking nakabalot ng duct tape ang mukha at nakagapos, natagpuan sa ilog

“Ang person na ito ay possible case ng summary execution and have carried out nga lang po sa river. Nadala lang po dito sa river, papunta sa mga nearby municipalities,” anang mga awtoridad.

Nagsagawa na rin daw ng forensic examination ang SOCO upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at magkaroon ng lead upang matukoy ang mga salarin sa karumal-dumal na sinapit nito.

“Yung ating SOCO, nagko-conduct na ng forensic examination doon kung saan nakuha yung bangkay mismo,” anang mga awtoridad.

Bunsod ng umaalingasaw na amoy mula sa nabubulok na bangkay ng biktima, minabuti raw n mga awtoridad na ilibing na ang labi nito.

“Because of public health reason, agad nating inilibing yung bangkay,” anang pulisya.

Samantala, nanawagan din sila sa publiko lalo na sa mga nawawalan daw ng kamag-anak na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya upang matukoy ang posibilidad na pagkakakilanlan ng biktima.