Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na hindi raw magkakaroon ng loyalty check sa mga local government units, kasunod ng pag-anunsyo ng kandidatura ni Vice President Sara Duterte sa 2028.
Sa panayam ng media kay Remulla nitong Biyernes, Pebrero 20, 2026, iginiit niyang wala raw epekto ang presidential bid ni VP Sara sa lokal na pamahalaan.
“Alam mo ang politika, hindi naman higpitan 'to eh, pagalingan 'to eh,” ani Remulla.
Dagdag pa niya, “So, I think she will be a good candidate and we're not stopping anyone. Walang loyalty check dito.”
Nagpaabot din ng mensahe si Remulla para kay VP Sara.
“I wish you well. I know you run a good campaign,” aniya.
Matatandanag noong Pebrero 18 nang ihayag ni VP Sara ang pagtakbo niya sa pagkapangulo sa 2028. Siya ang kauna-unahang politiko na nagkumpirma ng pagnanais sa mas mataas na posisyon para sa susunod na eleksyon.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Samantala, wala pang ipinapahayag na running-mate si VP Sara ngunit isa na ang pangalan nina Sen. Imee Marcos at Sen. Robin Padilla sa maaari umanong tumakbo na maging susunod na Vice President.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, bet ang tambalang Sara-Imee sa 2028