February 20, 2026

Home SHOWBIZ

‘Tumulong ka na, ikaw pa magiging masama!’ McCoy De Leon rumesbak para kay Coco Martin

‘Tumulong ka na, ikaw pa magiging masama!’ McCoy De Leon rumesbak para kay Coco Martin
Photo Courtesy: McCoy De Leon (FB)

Dinepensahan ni Kapamilya actor McCoy De Leon si Kapamilya Prime Time King Coco Martin mula sa mga paninirang idinidikit sa huli.

Ito ay matapos isiwalat ng anak ng namayapang aktor na si Rod Navarro, Sr. na minura at pinagbantaan umano siya ni Coco at ng iba pang staff sa production nito.

Maki-Balita: Anak ni Rod Navarro, Sr. nakatikim ng mura, banta kay Coco Martin?

Kaya sa latest Facebook post ni McCoy kamakailan, pinatotohanan niya kung gaano kabuting tao si Coco.

'Di ako nagpa-resign!' Lourd, nakaladkad pangalan sa pag-alis ni Izzy sa SexBomb

“Napatunayan niya na hindi lang siya sa harapan ng camera tagapagligtas dahil kahit sa likod ng camera marami siyang natulungan sa pagbibigay ng trabaho,” saad ni McCoy.

Ayon sa aktor, kabilang umano siya sa mga nailigtas ni Coco upang magkaroon ng mabuting buhay. Kaya naman ipinagpapasalamat niya ito hanggang ngayon. 

“Nakakalungkot lang isipin na tumulong ka na, sa huli ikaw pa ang magiging masama,” dugtong pa niya.

Sa huli, nagpaabot si McCoy ng mensahe para kay Coco upang patuloy nitong gawin ang pagtulong sa mga beterano o baguhan mang artista.

Pahabol pa niya, “Nandito ako palagi para sa ‘yo.”

Matatandaang ginampanan ni McCoy ang karakter ni “David” na siyang kapatid ni “Tanggol” na ginagampanan ni Coco sa “FPJ’s Batang Quiapo.

Kaugnay na Balita: David, tinodas na sa ‘Batang Quiapo!’