February 20, 2026

Home BALITA National

'Masyadong madrama 'yang babaeng 'yan!' Larry Gadon, pinagre-resign si VP Sara

'Masyadong madrama 'yang babaeng 'yan!' Larry Gadon, pinagre-resign si VP Sara
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Pinagbibitiw sa puwesto ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon si Vice President Sara Duterte at binuwelta niyang masyado na raw itong madrama. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Isa kang boba!’ Larry Gadon, pinagbibitiw si VP Sara

Ayon sa naging panayam sa News & Views ng ONE News kay Gadon noong Huwebes, Pebrero 19, 2026, iminungkahi niya kay Duterte na magbitiw na ito sa puwesto upang makatakbo raw ito nang walang mga bagahe sa darating na Halalan 2028. 

“Tungkol naman kay Sara, kung ako sa kaniya ay para hindi na patuloy ang impeachment, mag-resign siya. Para makatakbo siya sa 2028 nang wala siyang baggages,” pagsisimula niya. 

National

'VP Sara, ipapatay sina PBBM, FL, Martin kaya 'di iboboto ng mga Marcos loyalist!'—-Gadon

Ani Gadon, gustong gusto raw niyang makatakbo si Duterte upang mapahiya umano ito sa sinabi niyang siya ang nagpanalo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noon. 

“Ngayon, gustong gusto ko sana siyang tumakbo kasi gusto ko siyang mapahiya. Gusto kong mapahiya sila diyan sa sinasabi nila na ang nagpanalo kay BBM ay si Sara. Napakalayo niyan. Napakalayo,” aniya. 

“Hindi nga nila kayang magbuo ng rally, e,” hirit pa niya. 

Pagbabahagi ni Gadon, pinanood lang daw niya sa naging press conference ni Duterte ang pagdedeklara nitong tumakbo bilang Pangulo sa 2028 dahil hindi raw siya interesado. 

“I haven’t seen the whole press con. I only watched the some segment of it kung saan niya sinabi na gustong niyang ‘ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo sa 2028.’ Aside from that, hindi ako interesado, e,” saad niya. 

Pagpapatuloy ni Gadon, alam na umano niyang magdedeklara ng pagtakbo si Duterte at gagawin daw nitong depensa ang pagtakbo para sa napipintong mga impeachment complaint laban sa dito. 

“Kasi alam ko naman na ‘yan ang sasabihin niya. Gagawin niya lang depensa ‘yan na, ‘Kita n’yo na, pene-persecute ako kasi nagsalita ako na nagdeklara ako na tatakbo akong Presidente and they want to destroy my chances.’ Mga ganiyan,” ‘ika niya. 

Ayon pa kay Gadon, masyado na umanong maraming drama si Duterte. 

“Drama na lang ‘yan. Drama ‘yan. Masyado nang madrama ‘yang babaeng ‘yan,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, reaksyon, o pahayag si Duterte kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

KAUGNAY NA BALITA: Patawad! VP Sara, humingi ng paumanhin sa pagtulong mahalal si PBBM

Mc Vincent Mirabuna/Balita