February 21, 2026

Home SHOWBIZ

Carlo Aquino, umay nang makita ang 'kinakausap ni God'

Carlo Aquino, umay nang makita ang 'kinakausap ni God'
Photo Courtesy: Carlo Aquino, Alvin Aragon (FB)

Tila naumay na rin ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino sa personalidad na aniya’y kinakausap ng Diyos na panay ang sulpot sa newsfeed niya.

Sa latest Facebook post ni Carlo nitong Biyernes, Pebrero 20, umapela siya sa publiko na itigil na ang pagbabahagi o pagpo-post sa personalidad na pinatutungkulan niya.

“Pleaaaase huwag niyo na i-post or i-repost yung kinakausap ni God. Ayoko na siya makita sa feed ko ” saad ni Carlo. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Dingdong Dantes, pinabulaanan pahayag ng pagkiling kay VP Sara

"HAHAHAHAHAAHAHA HINDI DAMAY DAMAY TAYO MAG INIT ANG ULO"

"Baka ma mention ka rin next interview hahaha"

"Hehe true naman po "

"Thou shall not giling giling"

"Korek awat na pls jusko"

"Same! Ilang linggo na syang trending. Sya na yata ang pinaka matagal na nag trend. "

"Kala ko ako lang affected "

"Hahahaha same. kakaumay"

Matatandaang lumulutang ngayon ang video clip mula sa panayam kay Alvin Aragon kung saan inakto pa niya ang pagsusumamo niya para iparamdam ng Diyos ang pagmamahal Nito sa kaniya.

Si Alvin ay ang mister ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.

Basahin: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality