February 20, 2026

Home BALITA Politics

Buwelta ni Princess Abante: Rep. Pulong, nanalo lang daw dahil anak ni 'tatay Digs!'

Buwelta ni Princess Abante: Rep. Pulong, nanalo lang daw dahil anak ni 'tatay Digs!'
Photo courtesy: via MB

Tinalakan pabalik ni Princess Abante ang pahayag ni Davao City 1st district Rep. Paolo Duterte laban sa kaniyang amang si Manila 6th district Rep. Benny Abante.

Sa pahayag kasi na inilabas ni Duterte noong Huwebes, Pebrero 19, pinuna niya ang naging pahayag ni Rep. Benny Abante hinggil sa hindi raw nito pagsuporta kay Vice President Sara Duterte sa kandidatura sa 2028.

“Alam na po ni Vice President Sara that I will not be supporting her for the presidency,” saad ni Benny.

Tugon naman ni Duterte, “When you say you will not support Sara Duterte for president, the honest question is, kanino ba talaga mahalaga ang suporta mo? Sa mga botante ng Maynila na matagal ka nang hindi pinili o sa ilang tao sa loob ng Kongreso?”

Politics

‘Walang loyalty check!' SILG Remulla, wala raw epekto sa LGUs ang presidential bid ni VP Sara

Binanggit din ni Duterte ang tila pagkatalo raw ni Abante noong 2025 elections sa kaniyang distrito ngunit nang dahil sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na i-disqualify ang kaniyang katunggali, muling naihalal si Abante.

“Hindi ka ibinalik ng mga botante ng Maynila. Kung nasaan ka man ngayon sa Posisyon mo, alam ng lahat na hindi iyon dahil sa mandato ng taumbayan, kundi dahil sa basbas ng leadership—partikular ng iyong political patron na si Tambaloslos,” aniya.

Samantala, binanatan naman ni Princess si Duterte matapos mag-reshare ng isang quote card mula sa isang news network noong Huwebes din ng gabi.

“Wag muna sumawsaw yung walang nagawa. Pumasok ka muna at mag trabaho. ‘Wag puro absent at kapit lang sa apelyido. Kung hindi ka anak ni Tatay Digs baka kahit brgy kagawad hindi ka manalo.”

Wala pang inilalabas na tugon si Duterte hinggil sa naging patutsada sa kaniya ni Princess.