Humingi ng dispensa ang isang simbahan sa Pampanga matapos silang makatanggap ng mga reklamo mula sa ilang parokyanong nakaranas ng skin irritation sa noo matapos malagyan ng abo noong Ash Wednesday.
“We sincerely apologize to the parishioners who experienced burning sensations or skin irritation after the imposition of ashes on Ash Wednesday,” saad ng Santa Rita de Cascia Parish, Archdiocese of San Fernando, Pampanga sa kanilang pahayag nitong Huwebes, Pebrero 19.
Binanggit ng Simbahan na tanging abo at holy water lamang ang mga sangkap na ginamit sa pamahid sa noo noong Miyerkules, Pebrero 18.
Ngunit tiniyak nila na masusi na nilang binabalikan ang kanilang naging preparation procedures bilang parte ng kanilang imbestigasyon para sa kaligtasan ng publiko.
“To the best of our knowledge, only ashes and holy water were used. However, we take this matter seriously and are reviewing our preparation procedures to ensure everyone’s safety,” pagtitiyak ng Santa Rita de Cascia Parish.
Sa pansamantala, inabiso nila sa publiko na maagap kalingain ang naging skin irritation at magpunta sa doktor kung kinakailangan na ng atensyong medikal.
“If you are experiencing continued irritation, please gently wash the affected area and seek medical advice if needed,” anila.
Photo courtesy: Santa Rita de Cascia Parish, Archdiocese of San Fernando, Pampanga (FB)
Sean Antonio/BALITA