February 19, 2026

Home BALITA National

Sen. Bam, itinangging tatakbo bilang Vice President sa 2028!

Sen. Bam, itinangging tatakbo bilang Vice President sa 2028!
Photo courtesy: Sen. Bam Aquino (FB)

Mariing pinabulaanan sa publiko si Sen. Bam Aquino ang mga bali-balitang tatakbo umano siya bilang pangalawang pangulo sa paparating na Halalan 2028.

Ayon sa naging maikling pahayag ni Aquino sa kaniyang Facebook page nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, direkta at mariin niyang sinabing hindi raw siya tatakbo para sa nasabing puwesto sa susunod na eleksyon.

“I will not run for Vice President in 2028,” saad ni Aquino.

Photo courtesy: Sen. Bam Aquino (FB)

Dahil dito, umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizen ang naturang pahayag ni Aquino.

National

Mayor Vico Sotto, nagsampa ng reklamong 'election offense' vs Sarah Discaya

Narito ang ilang mga komentong iniwan ng mga tao sa nasabi niyang post:

“Maybe president?”

“Councilor pwde pa”

“Maybe consider running for President, Sir?. I think you would make a great pitch”

“If not for VP. Please run as President!”

“Kung tatakbo sya na ka-tandem 'I Sara big no ako para sa kanilang dalawa”

“Loud and clear Sen Bam ”

“Ayan malinaw na ba? Basta Bam Aquino pa rin kami!”

“Campaign manager ka nalang po ulit ni mam leni if ever tumakbo sya sir bam”

“Leni and Bam for 2028”

“Sen. Bam, then Leni-Trillanes tandem will be the best.”

Kaugnay nito, matatandaang nakatanggap ng batikos mula sa ilang mga indibidwal kagaya nina dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at political pundit na si Ronald Llamas kaugnay sa naging pahayag ni Aquino kamakailan tungkol sa paglilitis ng mga kaso ng Extrajudicial Kiliing (EJK) sa bansa.

Buwelta ni Trillanes noong Miyerkules, Pebrero 18, tila nagbibida-bida umano si Aquino sa usapin ng Extrajudicial killing (EJK) na nangyari noon at nagpapapogi lang ba raw ito sa mga Duterte supporters.

“Besides, alam rin naman natin na ang justice system dito ay far from ideal lalo na sa mga makapangyarihan, so para saan pa ang statement mo? Pa-pogi lang sa mga DDS at the expense ng mga nagsakripisyo?” ani Trillanes.

Kuwestiyon naman ni Llamas noong ding Miyerkules, bakit kailangan pa raw sabihin ni Aquino ang ganoong pahayag tungkol sa usapin ng mga kasong ugnay sa EJK at ano raw ang layunin ng senador.

“[B]akit kailangan pang sabihin yon? For what purpose? For the sake of discussion lang? Sino audience? May ina-appease ba? Did it advance justice at ‘di nagamit ng Karton Network?” tanong ng political pundit.

KAUGNAY NA BALITA: 'Papogi lang sa mga DDS!' Trillanes, binweltahan si Sen. Bam

KAUGNAY NA BALITA: 'Ba't kailangan pang sabihin?' Llamas, dismayado kay Sen. Bam sa posisyon sa EJK cases

Mc Vincent Mirabuna/Balita