February 19, 2026

Home BALITA National

Rep. Edgar Erice, tiwalang malakas na pantapat si Mayor Leni vs VP Sara!

Rep. Edgar Erice, tiwalang malakas na pantapat si Mayor Leni vs VP Sara!
Photo courtesy: via MB

Tila tiwala umano si House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan Rep. Edgar Erice na malakas na panlaban si dating Vice President at kasalukuyan nang Naga City Mayor Leni Robredo kay VP Sara Duterte para sa susunod na eleksyon. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

Ayon kay Erice, sa isang ambush interview sa kaniya ng media nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, sinabi niyang nakatakda na umanong mag-organisa ang oposisyon para makapagtalaga sila ng kanilang kandidato bago matapos ang 2026. 

“Sinasabi ng mga kasama namin, mag-organize kami and hopefully before the end of the year, we can come up with our candidate,” pagsisimula niya. 

National

Mayor Vico Sotto, nagsampa ng reklamong 'election offense' vs Sarah Discaya

Pagbabahagi naman ni Erice ayon umano sa kaniyang sariling pananaw, si Robredo lang daw ang maaaring ipanlaban kay VP Sara dahil wala itong isyung may kaugnayan sa korapsyon. 

“Pero sa aking pananaw, isa lang ang puwedeng panlaban kay VP Sara, walang iba ‘yan kundi si dating VP Leni,” saad niya. 

Pahabol pa niya, “Kasi walang isyu ng korapsyon kay VP Leni.” 

Ani Erice, naniniwala rin daw siyang dapat na lumaban nang mag-isa ang oposisyon at huwag itong makipag-alyado sa administrasyon para sa susunod na eleksyon. 

“Kaya lang ay magkakaroon ng dalawang school of thoughts niyan. Whether we will… with the administration or we will fight alone. Para sa akin, we should fight alone,” ‘ika niya. 

“Sa experience ko, hindi ibig sabihin ng one plus one, equals two. Dito, [kapag] kami ‘yong one tapos kapag sumama kami sa administration, ang ibig sabihin noon [ay] negative one kaya magiging zero,” paliwanag at pagtatapos pa ng mambabatas. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na reaksyon, tugon, o reaksyon sina Robredo at VP Sara kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Dapat si Leni!' Sen. Erwin Tulfo, 'di na bet tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028

KAUGNAY NA BALITA: 'I will pray for her intentions!' Sen. Lacson, nag-good luck kay VP Sara

Mc Vincent Mirabuna/Balita