February 19, 2026

Home BALITA Politics

Ramon Tulfo kay VP Sara: 'Nagdeklara na ang loka-loka'

Ramon Tulfo kay VP Sara: 'Nagdeklara na ang loka-loka'
photo courtesy: Ramon Tulfo/FB, Santi San Juan/MB

Tila may reaksyon ang beteranong radio broadcaster at kolumnista na si Ramon Tulfo tungkol sa anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya bilang Pangulo ng Pilipinas sa susunod na halalan sa 2028.

Matatandaang noong Miyerkules, Pebrero 18, nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagtakbo sa national elections.

"Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas,” aniya.

Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

Politics

Partido Reporma, suportado Sara-Marcoleta sa 2028!

Kaugnay na Balita: Buong pahayag: VP Sara, inaalay ang buhay para sa bansa sa kaniyang pagtakbo bilang Pangulo

Sa isang Facebook post noon ding Miyerkules, ibinahagi ni Tulfo ang ulat ng ABS-CBN News sa isinagawang press briefing ni Duterte kaugnay sa halalan.

"Nagdeklara na ang loka-loka na tatakbo siya sa pagka-Presidente sa 2028," ani Tulfo sa caption.

"Pakinggan ninyo ang pinagsasabi niya. Walang sense," dagdag pa niya. 

screenshot Ramon Tulfo/Facebook

Sa sumunod pang post, ibinahagi rin ni Tulfo ang listahan ng mga umano'y kasinungalinan at mga naging isyu ng bise presidente.

"The following well-written article about VP Sara is not mine (I wish it were). But it jibes with my views on what I think about her state of mind," anang kolumnista sa caption.

"Needless to say, naaawa ako sa mga taong humahanga sa kanya. It seems majority of Pinoys- as reflected in many popularity surveys— are incapable of clear thinking. And "clear thinking" is even a kind description," dagdag pa niya.

Ang ilan sa mga binanggit ni Tulfo ay ang isyu patungkol sa libro ni Duterte na "Isang Kaibigan" at ang P125 milyong confidential funds.

screenshot Ramon Tulfo/Facebook

screenshot Ramon Tulfo/Facebook

screenshot Ramon Tulfo/Facebook