Ibinida sa publiko ng aktres at TV host na si Mariel Rodriguez Padilla ang kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla matapos itong maging miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee.
Matatandaang kasing pormal na pumalit si Sen. Robin kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa bilang miyembro ng nasabing Komite, dahil na rin sa mosyon at mungkahi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito sa sesyon nila sa Senado noong Miyerkules, Pebrero 18, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, pumalit kay Sen. Bato sa Blue Ribbon Committee!
Ayon naman sa naging komento ni Mariel sa pamamagitan ng pagbabahagi niya sa kaniyang Facebook feed ng nasabing balitang ugnay sa kaniyang mister noon ding Miyerkules, ibinida niyang wala umanong bahid ng korapsyon si Sen. Robin.
“Walang bahid ng corruption ,” saad ni Mariel.
Matapos nito, tila kinatigan naman ng netizen ang naturang pahayag ni Mariel at sinuportahan din nila si Sen. Robin.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Mariel:
“Baguhan mn sa Senado si Sen. Robin pero di matatawaran ang puso sa paglingkod. He can be the next VP.”
“Say whatever you want about Sen. Robin, but facts are facts and the man is clean. No corruption cases, no shady deals, no stolen public funds. Criticize his style all you want, but you can’t question his integrity.”
“Idol Robin Padilla ikaw lang po ang VP namin”
“Agree sya lang ang artista na pumasok sa politica ng walang bahid ng kurapsyon..”
“Madam! Sya na ba ang VP ni President Inday?”
“Pakisabe Ms Ma kay Sen. Robin huwag na I push si Imee maging VP ni inday Pwede Sen. Marcoleta, Cayetano, Go or sya mismo”
“Ok naman walang bahid ng korupsyon, pero gusto namin ung may magagawa para sa bayan.”
MAKI-BALITA: Sen. Robin, bet ang tambalang Sara-Imee sa 2028
MAKI-BALITA: Sen. Imee 'forever running mate' ni VP Sara: 'Basta sunud-sunuran ako do'n!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita